Chapter 49: Long Lost Sister

319 19 0
                                    

Elis' POV

TANGHALI nang ako'y nag-excuse sa klase ko. Dalawa lang naman ang asignatura sa hapon kaya pinagpasiyahan kong lumiban muna. Nagpaalam ako sa advisory class ko at sa mga guro ko sa hapon.

Papalabas na ako ng Christian Academy. Kasama ko si Mamita Rowena at pupunta kami sa Faith Academy upang makilala ko ang kapatid ko sa tunay kong mga magulang.

Oo, alam ko na ang lahat. Lakas-loob na kinwento ni Mamita. Nagalit ako sa simula. S'yempre, sino ba naman ang hindi magagalit 'pag nalaman na siya'y kinidnap mula sa tunay na mga magulang? Pero nang malaman ko ang dahilan, bigla akong napaluha pero naroon pa rin ang sama ng loob ko sa kanya. So far, ginamit lang naman niya ako at nawalan ako ng chance na makapiling ang tunay kong mga magulang. Pero, wala e, nangyari na, bakit ko pa pananatiliin ang sama ng loob na nadadama ko? T'saka kapag na-kidnap ka, malaki ang chance na mapahamak ka. Pero si Mamita, tinuring akong anak talaga kahit na iniwan kami ni Papito– oo, 'yan ang tawag ko sa tatay ko. Matagal ko nang alam na ampon ako, pero ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito. Naiintindihan ko si Mamita.

"Elis ano ba? Lumilipad 'yang isip mo. Tara na, mga 2 kilometers pa ang layo mula rito hanggang sa Faith Academy kaya dalian mo na at sumakay ka na." Dahil sa boses ni Mamita, aligaga akong sumakay sa kotse niya. Siya ang nagmamaneho.

"M-Mamita," tawag ko sa kanya habang nagda-drive.

"Hmm?" sabi niya at nakatingin pa rin sa dinadaanan.

"Masaya bang may kapatid?" tanong ko at bigla siyang nagpreno.

"A-Ay sorry anak. Natanong mo kasi," at itinuloy na ni Mamita ang pagmamaneho. May issue ba siya sa kapatid niya? "Hmm, masaya naman. Okay lang na may kahati as long as nagmamahalan kayo. Pero ang mahirap kung malayo ang loob niyo sa isa't isa lalo na kapag inggit ang naghari sa puso niyong magkapatid." Parang may pinanghuhugutan si Mamita?

"May pinanghuhugutan po ba?" pang-aasar ko sa kanya.

"Anak, nagmamaneho ako. Mamaya mo na ako biruin, okay?" sabi ni Mamita kaya nanahimik nalang ako.

Hindi nagtagal, nakarating na kami sa Faith Academy. Biglang bumalik sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko noon dito. Sa bagay, ganito naman ako palagi kapag bumabalik dito. Naging special guest nga ako rito noon dahil ako ang Miss Intramurals sa school namin.

Bumaba na ako ng sasakyan. Si Mamita ay naghanap ng magandang pagpa-parkingan.

"Anak, tara muna kay Ma'am Faith. Kilala mo naman siya, hindi ba?" sabi ni Mamita kaya napatango ako.

Naglakad na kami patungo kay Ma'am Faith. Kumatok si Mamita at pinagbuksan siya ni Ma'am Faith.

"Oh Hi Rowena!" bati niya kay Mamita. "Pasok kayo."

"Sige salamat Faith." wika ni Mamita sabay ngiti. Sinenyasan ako ni Mamita na sumunod sa kanya sa loob.

"Pwede naman siguro maki-sit in sa mga klase basta hindi nakaka-distorbo 'no?" tanong ni Mamita kay Ma'am Faith. Oo, may balak akong maki-sit in. Gusto kong makita ang nakakatanda kong kapatid. One year ang tanda niya sa akin pero magkasing year level lang kami. Bakit kaya?

"Oo naman. Humingi kayo ng permiso sa kasalukuyang gurong nagtuturo." ani Ma'am Faith.

"Salamat!" sabi ni Mamita.

Nagkwentuhan ng kung anu-ano si Mamita at Ma'am Faith. Ewan ko ba kung bakit pinilit ako ni Mamita na lumipat ng ibang school– e ang layo nga kumpara rito. Ang dami kasing nangyari rito sa 'kin. Kumusta na kaya 'siya'?

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon