Chapter 28 : Friends?

477 33 14
                                    

Caleb's POV

LUNES na ngayon. July, 25 20**. Limang araw na nang mulang tinanggap ni Elisha si Lord sa buhay niya. Inaamin kong naging masaya ako sa mga pagkakataong 'yon. Mga mahigit isang buwan kong ipinagdasal 'yon.

Nandito na ako sa school ngayon. Nakaupo, kung saan-saan tumitingin. Mag-a-alas siete pa lang ng umaga. Lilima pa lang kaming pumasok. Wala pa sila.

"Hi Pre!" Nawala ako sa pagiging lutang nang dumating si Aaron. Nga pala, maaga palang pumasok ang isang 'to. Matagal ko na siyang best friend. Tatlong taon, mula Grade 8. Ibinaba ang bag at inilagay sa upuan niya.

"Kumusta?" Pagtatanong ko sa kanya. "Pumunta ka ba noong Sabado kila Elisha?"

"Ah okay lang ako. Oo, pumunta ako, kaso hindi ko kayo nakita," sabi niya. "Ikaw pre, musta?"

"Okay naman."

"Pwede ka bang matanong?" Pagsisimula niya ng pag-uusapan. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Kung hindi mo pinsan si Elisha, it's possible that you'll like her like what to Elis?" Nagulat ako sa naging tanong niya.

"B-Bakit mo naman naitanong 'yan?" Sinagot ko ng tanong ang kanyang katanungan. Hindi ko maunawaan kung bakit nautal pa ako.

"Wala naman. Pre, lalaki rin kasi ako," pagpapaliwanag niya. "Sorry for that question," pagpapaumanhin niya. "Iba nalang pag-usapan natin,"

"O-Okay lang. Ganun talaga ako sa mga malalapit sa 'kin e. 'Wag mo nalang isipan ng malisya, talagang maiisip mo 'yon kasi naiisip mo,"

"Grabe, kakaiba ka."

"Syempre, lahat iba-iba," pang-aasar ko.

"Luh! Hindi 'yon," pagmaktol niya. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Bahala ka," walang maisip na tugon ko.

"May i-o-open lang sana ako sa'yo pre," paninimula niya. Biglang umandar ang curiosity ko sa mga sinabi niya. "K-Kasi, gusto ko may mababahagian ako nito,"

"Ano ba 'yon? I'll let you lend my ears to listen," sabi ko na lang. May problema kaya siya?

"Paano ko ba sasabihin sa'yo? Hmm.." Mukhang nag-iisip ng mga salitang gagamitin upang masabi ang nais ibahagi sa akin. "Masama ba magka-crush, pre?" Natawa ako sa tanong niya.

"Grabe, tinawanan ako," nalulungkot niyang sambit. "Hindi na nga ako magkukwento,"

"Walang ganyanan. Paasa," bulong lamang ang huling salitang nasabi ko. Hindi ako sigurado kung narinig niya. "Sorry. Nagulat lang ako sa tanong mo. Hindi naman masama. Normal lang 'yan. Pero, kung ako sa iyo, hanggang inspirasyon lang muna kasi baka maka-apekto sa pag-aaral kapag nagseryoso ka sa love life,"

"Ayan, sinagot din. Sige, ikukwento ko. Baka mamatay ka sa kakaisip," mahina ang pagkasabi sa pangatlong pangungusap subalit dinig na dinig ko. Tapos mahahalata mong inaasar ka niya kasi tumatawa pa.

"Mamatay sa kakaisip? B-Bahala ka na nga," nagtatampong kunwaring wika ko.

"Hindi mo bagay magtampo, pre. Hindi mo bagay magpabebe," nang-aasar na sabi niya.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko siya sinagot. Bahala siya kung magkwento siya. Basta, handa akong makinig sa drama niya. Kaibigan ko kaya siya.

"Hoy! Biro lang. Makinig ka na, sisimulan ko na," sabi niya subalit nagpanggap akong walang narinig.

"Hoy! Sige hindi na ako–"

"Magsimula ka na sa pagdadrama mo. Makikinig ako," sabi ko at hindi man lang humarap sa kanya. Magkatabi kasi kami ngayon, wala pa ang iba kong mga kaklase e.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon