Chapter 45: Helping in Each Others' Burdens

304 19 1
                                    

Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Elisha's POV

PAPAUWI NA kami ni Janelle. Ngunit bago 'yon, dumaan muna kami sa plaza upang makapag-usap ng masinsinan. Naghanap kami ng magandang pwesto upang comfortable kami at sisiguraduhing walang makakarinig maliban sa 'ming dalawa.

Umupo kaming dalawa sa isang gilid, sa kaliwang bahagi ng plaza. Kitang-kita namin ang lahat ng taong naririto. Sila'y may kanya-kanyang mundo.

"Ang sarap nilang pagmasdan 'no? 'Yong nagtatakbuhang mga batang aakalaing mo na walang problema, ngunit 'pag nalaman mo ang kwento nila, magugulat ka nalang," ani Janelle habang turo-turo ang mga batang naglalaro. "At 'yong mga kagaya natin na kabataan. May mga couples na. Sana 'wag silang magkamali ng desisyon. Sa mga barkada-barkada, nawa hindi sila nagkamali sa pagpili ng kaibigan. At may mga nag-iisa, panigurado'y may mga problema sila o sadyang hindi sila gano'ng humahabilo o umuwi na ang mga kasama niya." At pinagmasdan niya ang lahat ng taong naririto.

"Ang dami mong napapansin," komento ko sa pinagsasabi niya sabay tawa ko. Tumingin siya nang masama sa 'kin kaya mas minabuti kong mag-peace sign. "Tama ka nga naman."

"Sino unang mag-o-open up sa 'tin?" tanong niya.

"Hmm." nag-isip ako ng paraan upang maging fair kaming dalawa. "Idaan natin sa bato-bato pick?" natatawa ako sa naiisip ko.

"Sige ba!" pagpayag niya sa suggestion ko kaya naghanda na kami.

Shini-shake namin ang aming mga kamay at pumwesto na. "Unang maka-three points, siya ang makikinig sa problema. Ang matalo, siya unang magkukwento." sabi niya kaya tumango ako.

Kanya-kanya ng trip 'to! Bakit ba?

"Isang bagsakan 'to ah?" sabi niya at tumango akong muli.

"Bagsak!" sabi niya. Papel ang akin at bato sa kanya.

"One-zero!" pang-aasar ko.

"Bakit? Hindi pa natatapos dito! B-Bagsak!" Nagulantang ako sa biglaang pagsabi niya ng bagsak kaya 'yan tuloy, bara-bara is me. Papel muli sa 'kin at gunting sa kanya.

"One-One! Akala mo ha?" Ganito lang talaga kami. Asaran ang peg.

"Bagsak!" aniya kaya naglaban uli. Parehas kaming bato.

"Pft! Parehas ng iniisip?" natatawang wika niya. "Bagsak!" sambit niya. Tinignan ko ang tira niya. Gunting sa 'kin, nanatili siyang bato.

"Paano ba 'yan? Two-One!" sabay tawa niya. Asar talo talaga sa 'min e. Ako naman ang nag-suggest dito kaya hindi dapat ako maasar. Waah!

"Ba– Bagsak!" sabi niya. Gunting ulit sa 'kin at nagpapel siya. Hahaha!

"Two-Two! Uto-uto! Char." sabay singit ko ng joke.

Nang nag-loading na siya, t'saka lang tumawa. "Grabe, ngayon ko lang natuklasan na may gan'yan kang side, Elisha. Buti nalang pala gano'ng palusot ang sinabi ko kay Caleb. Kung hindi ko pa pala naisip 'yon, hindi ko alam ang side mong ganito. Pfft!" Ngayon naman, nagpipigil na siya sa kakatawa.

"Ang galing mo nga e! Mautal-utal ka na nga, napaniwala mo si Caleb–" naputol ang pananalita ko dahil parehas kaming nagulantang sa nagsalita. Napalingon kami sa pinanggalingan no'n.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon