Chapter 24 : Past is Past

525 33 4
                                    

Aaron's POV

Ako nga pala si Aaron John Boaz. 15 years old. Secret kung kailan ang birthday ko, hehehe!

Nandito kami sa bahay nila Elisha. Dumalaw kami kasama ang barkada. Nakaupo kami ni Caleb sa isang sulok.

"P-Paano? Seryoso ka? Naging best friend mo siya?" Gulat na gulat na tanong ni Caleb. "Share na 'yan!"

"Gulat na gulat ka talaga. Wait lang, alalahanin ko lang ang mga nangyari. Hehehe!"

"Kapag hindi ka lang magkwento–"

"Wait lang, atat pre?"

"Sige. Hahaha! Sorry na,"

"Pero makakaasa ba akong hindi mo ipagkakalat?"

"Oo naman,"

"Dito nagsimula ang lahat," paninimula ko.

Flashback..

Grade 4 palang ako ngayon. First day of school. I'm transferee from other school. I'm section 3 here.

Inaamin kong medyo kinakabahan ako ngayon kasi wala akong kilala rito. Bakit kasi ipinapatransfer ako ng parents ko. Hays.

"He's coming! The transferee!" Sabi ng dalawang lalaki na sumalubong sa akin. Mukhang may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari. Napatingin ako sa kanila at agad akong yumuko.

"Why are you staring to us like that? Are you afraid of u-us?" At itinuro ang kanilang sarili.

"N-No. I need to go to my chairs," nagpipigil ng inis na wika ko.

"Wait! Hindi makapaghintay?"

Nababadtrip na ako ah. Unang araw ko palang ay gagantuhin nila ako? Hindi man lang sila marunong magwelcome? Tch.

"Ano ba! Baka mamaya dumating na si ma'am–"

"Paano kung 'ayaw' namin?"  Nang-aasar na wika ng lalaki.

"Anong nangyayari rito?" Nagulat silang dalawa sa babaeng nagsalita. Natigilan sila saglit. Takot sila sa babae? Seriously?

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon