9: The Story Behind the Bullies
DITO AKO nananghalian sa loob ng classroom dahil nagbabaon ako. Makatitipid kasi kapag ganito dahil siya ring nagluluto kami sa umaga kaya ibaon ko na lang kaysa dagdag gastos pa. Ganito talaga kapag medyo kinakapos. Magtitipid hanggang sa kaya.
Kinuha ko na sa bag ang baon at nilapag sa mesa. "Janelle, dito ka rin ba kumakain?" tanong ko sa kanya dahil napapansin kong hindi pa siya umuuwi.
"Yes. Dito ka rin ba? Sabay na tayo kumain. Uwian kasi si Jona at Ella," sagot niya. Binuksan niya ang zipper ng bag at naglabas na rin ng kanin at ulam. Inilagay niya 'to sa tabi ko.
Yumuko muna siya bago kumain. Ganoon din 'yong ibang mga kumakain dito. Talagang prayerful na tao ang mga mag-aaral dito. Nagpapasalamat pa sila sa Diyos-- magulang naman nila ang nagluto no'n. Kung hindi naman kikilos ang tao at maghihintay ng himala, walang mangyayari.
Tapos na kaming kumain. Naghihintay ako na dumating si Caleb para mag-k'wento sana siya sa nangyari kina Lorraine sa nakaraan. Nangako naman siya kanina bago umuwi na magkuk'wento siya kaya 'yon, gusto ko na siyang dumating agad.
"Eisha?" Napatigil ako sa pag-iisip. Kinaway-kawayan niya pa ang mga mata kong nakatingin sa malayo. Dumating na pala siya.
"B-Bilis ah," believe kong sambit. Natawa na lang si Caleb habang binaba ang bag sa upuan niya.
"Elisha, bibili lang kami ng pagkain," pagpapaalam ni Janelle. Dumating na pala sina Jona at Ella na barkada niya.
"Grabe kayo! Kakakain lang, bibili na lang?" natatawa kong sambit
"Gutom pa mga bulati namin," pabirong sabi ni Jona.
"Ako rin!" agreement ni Ella sa kanya.
Kambal nga sila. Oo, nasabi kong kambal dahil magkamukha sila.
"Okay. Sige," sabi ko na lang. Naglalakad na sila palabas ng classroom na sobrang excited bumili ng pagkain na parang hindi nananghalian. Natawa na lang ako nang mahina dahil do'n.
"Caleb," tawag ko sa kanya upang magbigay senyales na baka may balak na siyang magk'wento dahil wala naman sina Janelle.
Mukhang na-gets niya naman ako kaya agad siyang nagsalita. "Elisha, labas tayo ng classroom kasi ayo'ko may makarinig ng k'wento nila na manggagaling sa 'kin. Punta tayo sa--"
"Tambayan n'yo dati ni Elis?" pagputol ko sa kanya.
Parang nag-iba ang timpla ng mukha niya kaya nag-peace sign ako. "O-Oo, doon tayo."
Naglakad na kaming papalabas ng classroom. May mga estudyante na napapatingin sa 'min ni Caleb. Yumuko na lang ako para hindi sila makita. Dumistansya si Caleb sa 'kin dahil nakikita niya ang nagiging asta ko.
Nakarating na kami doon sa mala-secret place nila Caleb at Elis dito sa Faith Academy. Alam kong dito 'yon dahil kay Janelle. Nasa likod kami ng isang abandoned classroom. Medyo makalat dito ng mga dahon na nanggagaling sa puno. Halatang hindi na nililinis ang bahaging ito ng academy. Marami ang mga basag-basag na hollow blocks sa paligid at iyon ang halos naapakan ko. May maliliit na damo na yumayabong sa hindi nadaganan ng hollow blocks. May mga puno dito na maninipis ang katawan at makalat talaga ang dahon nito dahil maliliit. Mahangin at tahimik ang lugar na 'to.
"Grade 5 ako no'n," pagsisimula ni Caleb. Nawala na 'ko sa pagmamasid at tumingin sa kanya. Nasa tapat ko siya. Nakatayo lang kami. P'wede maupo dito kapag may dalang pansapin.
Medyo nakakailang pala na dalawa lang kaming magkasama. Alam kong wala siyang gagawing masama pero ang confidential yata kasi ng ikuk'wento niya kaya kinakailangan na wala talaga makarinig. Ayaw rin niya kasi na malaman ng iba na nagmula sa kanya 'yon.
BINABASA MO ANG
Faith Academy (Editing)
SpiritualAre you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, learn with them, share your life with them, and have a mission to share good news with other people. E...