Chapter 7: R.W.G. Subject

1K 43 12
                                    

7: R.W.G. Subject

KATATAPOS KO lang gawin ang pinagawa sa 'min. Ibinigay ko na kay Caleb ang papel dahil katabi ko lang naman siya. Nagtangka siyang basahin pero pinagbawalan ko. Natawa na lang ako sa naging asta ko dahil p'wede naman niyang mabasa 'yon bago niya ipasa kay Ma'am. Nag-collect na rin siya sa buong klase. Maya-maya ay nakita ko na siyang lumabas ng classroom.

Bumalik na ang tingin ko kay Janelle. Sa wakas, makikipagk'wentuhan na 'ko sa kanya dahil tapos na ang gagawin. "Itutuloy mo na?" tanong ko sa kanya at natawa siya sa pagiging exicted ko sa k'wento.

"O-Oo naman. Saan na kasi tayo nahinto? Baka kasi pilosopohin mo na naman ako, e!" Nag-cross arms siya at tinignan ako na pinagbabantaan kaya ako naman ang tumawa ngayon.

"Sorry na," mabilis kong reaction sa sinabi niya. "Hindi ko na gagawin 'yon. Doon sa part yata na hindi na ma-contact ni Caleb si Elis."

"Okay. Hmm," sambit niya sabay huminga nang malalim na tila ang lalim ng iniisip. "Walang nagawa noon si Caleb kasi hindi na nagpakita si Elis. Hindi ko nga rin siya ma-contact kaya nang tinanong niya ako, wala rin ako nasagot. Sa sobrang sakit na nararamdaman ni Caleb, hindi niya alam ang gagawin niya."

"Ang sakit naman niyan. Hindi man lang nagparamdam si Elis," malungkot kong sambit dahil sa pangyayari.

"May isang lalaki ang lumalapit at hindi nagsasawang i-preach ang Gospel sa kanya. Siya si Elijah. Palagi siyang sinasabihan nito na, 'Lahat ng mga nangyayari may dahilan, brad. Magtiwala ka lang sa Diyos. Lahat ng ito ay para ihubog tayo at upang maging matatag.' Kahit na may pagkakataon na ilang beses siyang tinataboy ni Caleb, hindi talaga siya nagsawa at sumuko." Damang-dama ko na sobra siyang amazed kay Elijah.

"Wow, ang determined naman niya. Ano'ng section 'yon? Ka-grade level ba natin siya?" sunod-sunod kong tanong.

"Curious talaga siya kay Caleb at Elijah," pang-aasar niya tapos kinikilig pa kunwari. Tinignan ko na lang siya na tigilan niya ang iniisip. "Okay, eto na nga at baka magalit ka pa. Nasa science class si Elijah and ka-year level lang natin. Nang mga panahon na 'yon, nasabi ko na rin ata kanina na hindi pa seryoso si Caleb sa Diyos. Palagi niyang inaalok ito ng Bible para ito'y basahin ngunit palaging tinatanggihan ni Caleb kasi it looks boring for him to read. Basta para sa kanya, ayos na ang may kinikilalang Diyos kahit na hindi makasimba o paglingkuran Siya. Pero dahil nakukulitan na si Caleb lalo na noong brokenhearted siya kay Elis, tinanggap na rin niya. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Elijah sa kanya, 'Brad, 'di ka magsisisi na tinanggap mo 'yan. Lahat ng katanungan mo sa buhay ay masasagot niyan.' at dahil nga nakukulitan si Caleb, nagbasa na siya."

"As in sobrang makulit ba 'yong Elijah?" natatawa kong sambit. Hindi naman na 'ko nagtataka na alam niya ang lahat ng 'to dahil siguro palaging lumalapit si Caleb sa kanya sa katatanong kung ano ang balita kay Elis. Nakikita niya ang lahat ng pangyayaring ito.

"Araw-araw kaya," natatawang sagot niya. "Nakukulitan na siya kaya niya tinanggap."

"Tapos?" Feeling ko talaga, napaka-tsismosa ko sa lagay na 'to.

"Pinabasa muna sa kanya ni Elijah ang new testament. Nagrereklamo nga si Caleb dahil sa haba no'n."

"Tama naman siya." Tinakpan ko ang bibig dahil gusto kong humalakhak pero baka ma-offend ko si Janelle.

"Nagbabasa ka rin ng Bible? Good for you," sambit niya pagkasabi ko no'n. "Mahaba pero worth it naman."

"Nakikita ko lang pero hindi ako nagbabasa," tapat kong sagot. "I stop believing in God dahil hindi naman effective ang prayers."

"Hala?" gulat niyang reaction. "Pero nag-aaral ka dito? Wow."

"Nag-aaral ako dito kasi gusto ko sanang makapagsimula ng bagong buhay dito pero sinira na nila Lorraine 'yon."

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon