Chapter 12 : Bakit ?

650 35 2
                                    

"Class dismissed." Favorite kong linya ng mga guro kapag sila'y magpapaalam na sa klase. Hayst, sa wakas, tapos na ang klase.

Napapatingin na lamang ako sa mga kaklase ko. Sigurado ako, laman ako ng mga tsismis nila. Paano ba naman dahil kay Caleb. Masama bang makipag-asaran sa kanya?

Hindi ko na lamang sila pinansin. Sanay na sanay na ako sa mga ‛yan.

"Janelle, sige uwi na ako." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Ingat ka sa pag-uwi," sabi niya sa akin.

"Salamat!" At nagwave na ako sa kanya.

"Teka!" Napalingon ako sa nagsalita. Si Caleb. "Pwede ako sumabay sa pag-uwi mo?"

"A-ah ganun, s-sige." Badtrip. Bakit ako nauutal sa kanya?

Lumabas kami ng classroom na sabay. Pinagtitinginan na naman ako ng mga schoolmates ko. Kainis!

"Caleb! Pinapatawag ka ni ma'am Marqueza." Napalingon siya sa nagsabi nun. "Kung hindi ka na makahintay, mauna ka na ne?" Sabi niya sa akin.

"Hintayin na kita. Palagi na lang kasi ako umuuwi mag-isa e. Okay lang?" Sabi ko.

"Sa classroom nalang! Saglit lang ako," sabi niya.

Ang saya palang magkaroon ng "best friend". Oo, may friends ako noon pero plastics naman. Nakakainis lang yung ganun. Pero meron naman totoo pero hindi na kami nagkikita ngayon.

"Hoy malandi!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Lorraine. Hays, eto na naman sila. Tatlo sila at ang sasama ng tingin nila sa akin. Nga pala, nasa harap kami ng classroom.

"Ba't ang lalim ng iniisip mo? Siguro iniisip mong bakit kang nasabihang malandi? Hahahaha! Huwag ka nang magtaka!" Si Sarah naman yung nagsalita.

"Napapatulala ka? Really? Natutulala sa ganda natin! O kaya ngayon lang narealize na malandi siya- transferee ka lang bes! Hahahaha!" Si Theresa naman yung nagsalita. Oo, kabisado ko na ang pagmumuka nilang tatlo. Sila kaya ang nangbubuli sa akin, hindi ko pa ba matatandaan?

"Bakit ka hindi nagsasalita?" Tanong ni Lorraine at kinwelyo niya ako.

Alam niyo kung ano ang ginawa ko? Pumalag ako. Tinanggal ko ang pagkakapit ng kamay niya sa kwelyo ng blouse ko. Malakas ang pagkahampas ko.

"Kasi magsasayang lang ako ng effort pag salita ako nang salita rito- hmm.. Sayang lang ang oras ko sa inyo- pasok lang ako sa room ha?" Binigyan ko sila ng nakakalokong tingin. Alam niyo kasi, nakakasawa na lang yung palagi ka na lang maging mabait- abasuhin ka ba naman!? Ayoko maging masyadong mabait. Lalaban ako at hindi magpapatalo.

Naglalakad ako papasok sa classroom nang may humila ng maganda kong buhok. Masakit yun ah! Pero hindi ko na inisip yun.

Paglingon ko, si Lorraine yung humila ng buhok ko. "Ano bang problema niyo ha? Wala akong ginagawang kasalanan sa inyo ha?" Sinabi ko iyan pagkaharap sa kanila. Nabitawan naman ni Lorraine ang buhok ko.

Nakuha ko ang atensyon ng mga kaklase ko at maging ang mga estudyante sa labas. Famous kasi sa school ang tatlong ito e.

"Hindi niya alam. How dare you? Wala kang kaalam-alam kung ano ang nagawa mong mali ha?" Tila naiinis na ang tinig ni Lorraine sa sandaling yun.

"Bobo iyan e. Paano niya malalaman?" Nang-aasar na wika ni Sarah.

"Bes. Turuan niyo nga ng leksyon at nang matuto," wika ni Theresa at lalapit na sana si Lorraine sa akin at nakahanda na ang dalawang braso niya para ako'y sabunutan pero-

"Stop. It." Mabagal na wika ni Caleb at hawak niya ang dalawang braso ni Lorraine. "Walang ginagawa ang tao sa inyo tapos sasabunutan niyo. How ironic? Mga maka-Diyos ba talaga kayo? I know na nagdasal kayo ng taimtim noong R.W.G. subject natin- tapos gumagawa na naman kayo ng mali sa paningin Niya?"

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon