Chapter 51: Second Quarter Test

372 17 0
                                    

Caleb's POV

PAPAUWI palang kami ni Aaron ngayon. Kakagaling lang namin sa plaza dahil nagmeryenda kami. Nagkahiwalay na kami ng daan kaya naiwan akong mag-isa rito. Nag-aabang ako ng masasakyan upang makauwi- kahit padyak lang, natural malapit lang naman ang uuwian ko.

Habang kumakain kami kanina ay may naikwento siya. Iba na raw ang tingin ni Elisha sa 'kin kanina. Sabi ko, baka guni-guni lang niya 'yon. We're just friends, right? Hindi naman sigurong masamang gawin sa isang kaibigan na siya'y tulungan at ipagtanggol mo, hindi ba? Dapat maging gentleman lang. Gawin ang mga bagay na nakakapag-please kay Lord. Galatians 1:10.

Hanggang sa nakasakay na ako. Naglilibot na naman ang aking mata sa paligid. Araw-araw ko naman nakikita ang lugar na ito subalit hindi ako nagsasawa. Kasi sa bawat taong nakikita ko, pakiramdam ko nakakita ako ng libro- bawat tao'y may kwento na isinusulat ng Diyos. Sa pagtatapos ng kwento, tayo'y lilisan sa mundo at pupunta na sa tunay na tahanan.

Biglang pumasok sa aking isipan ang quarter tests bukas. Sabay-sabay na naman ang ri-review-hin. Buti nalang talaga e may R.W.G. subject, ang kailangan lang e handa ang physically, emotionally, mentally and especially, spiritually. Nawa mairaos ko ang tests na ito. Ang expectations ba naman sa 'kin ay mataas dala na rin ang pagiging top 1 ko ngayon sa klase. Nagtataka nga ako kung paano nangyari 'yon. Hindi naman kasi ako gano'ng ka-achiever e.

Bumaba na ako ng padyak at ako'y nagbayad. Dumeretso na ako sa bahay, si Mama lang ang naroon. Si Papa ay nasa trabaho. Nagmano ako sa kanya at agad na dumeretso sa kwarto.

Nagbihis na ako at nag-aral sa study table ko. I prayed before starting reviewing. Sabi nga, faith without works is dead. Kailangan kumilos ka rin. Alangang sabihin mo sa isang namamalimos na kumain siya at magpakabusog ngunit wala kang ibibigay na pagkain? Patawa ka 'te. Pero hayaan mong mangyari ang plano ng Diyos sa 'yo.

'Yon na nga, tapos na ang Mathematics at Science. Ang English ay bukas pa- Friday. Today is Thursday. Mabuti nga may pahinga kaming isang oras- which is the English time. Hindi niya pa nga raw na-ipa-xerox dulot ng may mga iba pang nagpapa-copy din gaya niya.

"Good morning class!" bati na ni Miss Alfonse sa 'min after ng may mag-lead ng prayer.

"Good morning din Miss!" bati rin namin.

"Maaari na kayong maupo," sabi niya. "Walang maglalabas ng Bible. Bawal madaya. Handa na ba kayo para sa test na ito?"

"Yes Miss!" in chorus na sabi namin.

"Patnubayan nawa kayo ng Panginoon. Bring one whole sheet of paper at akin na lamang susulatin sa board ang magiging pagsusulit niyo upang hindi na tayo gumastos. Okay lang ba sa inyo 'yon class?" Nagsing-ayon kami kaya habang nagsusulat kami ng pangalan sa aming kanya-kanyang papel, ay nagsusulat na rin si Miss. "Paalala lang. Your answer can be either English or Filipino. Bawal ang ibang dialect."

Maganda ang sulat niya. Hindi naman siya mabagal magsulat, sakto lang.

"God bless sa 'tin!" sabi ko kina Janelle at Elisha.

"Sa 'yo rin." ani Elisha and smiled.

Si Janelle nama'y tumango. Lumingon si Aaron dito sa likod, nag-okay sign siya kaya gano'n din ako. Ganito kami ni Aaron kapag test na. Siya'y nakaupo sa pangatlong layer. Tag-aanim kasi kada table, bali panglima kami. We're 30 students.

Nag-focus muna ako sa test.

1-5. (5 points each) Magbigay ng limang mga itinuro ni Jesus/ mga disciples Niya habang naririto pa sila sa mundo. (25 pts total)

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon