Ang bilis ng panahon. Isang buwan na pala ako sa campus na ito. Unti-unti ko nang sinasanay ang sarili kong palaging naririnig ang tungkol sa Kanya. Wala akong magagawa e, nasa school ako na kung saan ay involve ang topic na ganito.
Ganun pa rin naman. Walang nagbabago. Yung tatlo patuloy pa rin ang pangbubuli at pang-iinis sa akin. Nakakasawa na nga e. Tapos ang mga kaibigan ko, they always talking about God. Keyso totoo Siya. Keyso napapasailalim ako sa kasinungalingan ng kaaway daw. Kaaway? Hindi ko lang sila gets. Wala akong time na intindihin yun. Parang normal life pa rin ang mga nangyayari sa akin sa loob ng isang buwan.
Si Caleb? Best friends kami. Medyo close na rin kami but I still not sharing about my past, yung dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Nakilala ko na rin ang ibang close friends niya. Si Janelle, as usual, ganoon din. She's always sharing about God.
Kilala ko na ang lahat ng classmates ko although hindi ko sila nakakausap. Astig nga e, pero hindi ko lang sila kaclose.
Nga pala, July na ngayon. Ang bilis, hindi ko akalain. Ilang minuto nalang, R.W.G. subject na pala ngayon. Before I forget, ang role play na project ay next month pa, week before mag quarter test.
"Good morning class," nawala ako sa pagdadaydream nang dumating si Ms. Alfonse. Maaliwalas ang kanyang mukha, at makikita mong positive ang pananaw niya sa buhay. Maganda siya, dalagang-dalaga pa. May manliligaw na raw siya sabi ng iba but ayokong pagtsismisan ang buhay ng ibang tao. Hahaha. At kitang-kita sa kanya ang pagiging maka-Diyos niya sa tuwing magdidiscuss.
Tumayo na kami. Automatic na kasi ito sa amin.
"Elisha," nagulat ako sa pangangalabit ni Janelle. "Ikaw na ang maglilead ng prayer. Remember, ikaw ang susunod kay Franchise–"
"Ako nalang ang maglilead," napatingin ako kay Caleb. "Ako naman ang susunod sa kanya e," dugtong niya.
"Ops! Sorry about that. I forgot na ganun, hehehe." She apologized.
"Okay lang Janelle, no worries,"
After maglead ni Caleb ng prayer, bumalik na siya sa kanyang kinauupuan. Katabi ko pa rin siya. Hindi kasi kami nagbago ng sitting arrangement since first day.
"Sino na ang na-assign na magshashare ngayon?" Tanong agad ni Ms. pagkaupo palang namin. Ang tinutukoy ni Ms. diyan ay mag share ng word of God then discuss. All about God kasi ang topic kaya siguro naisipan niya ang about dito.
"Ako na po," napatingin ako kay Janelle. Siya na pala ngayon.
Hindi ako in-asign ni Ms. She knows na I don't believing in God. Baka nga mababa ang grade ko sa kanya e. Kasi alam niyo na, but no worries to me.
Pumunta na sa harap si Janelle. Nakatingin ako sa kanya. Tila malayo ang kanyang mga tingin– siguro nagpopokus lamang siya.
"Kung may dala kayong Bible– or you have a Bible app, buksan ninyo sa Matthew 6:34. Sinong gustong magbasa?"
Nakita kong marami ang nagtaas, pero si Ella ang tinawag niya.
Tumayo siya habang hawak ang phone, "Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own."
"Nang unang basahin niyo po ang bible verse na iyan, ano ang pumasok sa isip ninyo?" Tanong niya.
Marami ang napa-isip sa tanong niyang iyon. Ganito ba talaga sila kaseryoso sa subject na ito? Kumusta ako, hindi ba? Bagsak na talaga ako. Huhu. Hashtag unfair. Paano ang katulad ko, hindi ba?
Si Caleb naman, kinalabit ako at lumingon ako sa kanya. Ipinabasa niya sa akin ang verse na ididiscuss ni Janelle na nakalagay sa phone niya.
Marami na ang nagtataasang kamay nang mabasa nila siguro ng paulit-ulit ang verse na iyon. Ang seryoso nila pagdating sa subject na ito. Maging sina tatlo– you know who are they.
BINABASA MO ANG
Faith Academy (Editing)
SpiritualitéAre you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, learn with them, share your life with them, and have a mission to share good news with other people. E...