May epilogue pa. Hahahaha
Lorraine's POV
May mga bagay sa mundong ito na hindi mapapasayo kahit anong gawin mo. Pero, eto ako, masaya na ako, nagagalak dahil unti-unti kong tinanggap na hindi ako ang minahal niya. Dahil sa aking kuryosidad, ako'y nagtanong sa aking tito– na ka-close ko at kapatid ni Mama. At–
"Ang lalim naman niyan! Anong date na ba ngayon? Sira ang auto time nito!" Nawala ako sa malalim na pag-iisip dahil sa kanya. Siya'y nakaturo sa kanyang cellphone at naiirita.
"Esa, hay. March 27 ngayon at alas-otso na. Happy?" naiinis kong sambit dahil pinutol niya ang malalim kong paglalakbay sa pamamagitan ng aking isip.
"Bakit parang naiinis ka?" nagtatakang wika niya.
"W-Wala!" pag-deny ko.
"Aba! Madaya at hindi nagse-share ng iniisip!"
"Theresa!" At tinawanan niya ako.
"Sige, ika'y maglakbay na sa kanilang buhay– ay este–"
"Grabe ka naman! Kabilang buhay agad?!" nagulantang kong sambit. Pikon pa naman akong tao.
Tumawa na naman siya na parang baliw. "Joke lang naman e. Alam ko namang ibabahagi mo rin ang tinatapunan mo ng oras sa ngayon sa akin e."
"Mabuti."
Salamat naman at hinayaan na niya akong magliwaliw ang aking isip. Tatlong linggo na rin ang nakakaraan nang mulang kinausap ko siya.
Flashback
"Tito pwede tayong mag-usap?" tanong ko habang may tinitipa siya sa kanyang gadget. Si Tito Daniel Constacio.
"O sige hindi naman ako gano'ng ka-busy. Ano ba 'yon?" Mabuti'y pumayag siya.
"Nagmahal na po ba kayo– I mean one sided love?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at hinawi ang buhok. "Oo naman pamangkin. Ilang beses din akong nabasted noon. Bakit mo naman natanong 'yan?" Naiwan pa rin ang kanyang ngiti sa labi.
"K-Kasi po, hmm.." Nahihiya akong ikwento ang lahat, e ako naman ang nag-request na makipag-usap sa kanya.
"Spill it."
"Tinanong ko siya kung bakit hindi niya ako kayang mahalin.."
BINABASA MO ANG
Faith Academy (Editing)
SpiritualitéAre you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, learn with them, share your life with them, and have a mission to share good news with other people. E...