Chapter 39.5: Intramurals: Question and Answer

548 20 8
                                    

Note:

Umabot po ito ng 5800+ words kaya medyo mahaba dahil nandito ang Q&A ng ating bida at ang mga nanalo. Saka na yung sports. Hehehe.

___

Third Person's POV

"Okay guys! Relax at ipunin niyo ang lakas niyo para sa last category!" Still Exellia. "Let's now proceed to the Q&A portion!"

Marami ang naghiyawan sa announcement na ito. "Because there's a saying that lady's first, mauuna ang mga babae sa ating Q&A. Palakpakan natin sila!" umabante ang mga girls. Constant pa rin ang kanilang mga ngiti at naka-stand straight.

"First judge, sinong candidate ang unang tatanungin?" ani Exellia at nagbunot na ang judge na ito. Tinutok ng first judge ang mic sa kanyang bibig. Nagsa-shuffle ang mga papel sa isang bowl upang bumunot kung sinong mauuna. "Candidate number, 3!" sabay hiwalay ng papel niya para hindi na masali sa mga mabubunot mamaya. Umabante si Janelle dahil siya ang naunang natawag. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya ngunit hindi niya ito pinansin. Bagkus, ngumiti siya sa harap ng judge. Inabutan siya ni Exellia ng mic upang makasagot sa tanong ng judge.

"Hello candidate number 3! What's your name, anyway?" masiglang bati ng judge #1 sa kanya.

"Ahm, Janelle po." sagot niya.

"Okay Janelle. Ito ang aking katanungan upang makapasok ka sa elimination round. Madali lang ang aking katanungan. Ano ang gusto mo sa isang lalaki or ideal man? At bakit?" nakahinga ng maluwag si Janelle dahil sa katanungang 'yon.

"Hmm. Kailangan pa ba ng ideal man? Kung ako po ang iyong tatanungin, s'yempre ang gusto ko sa isang lalaki ay ang inuuna niya ang Diyos sa lahat, masipag, matiyaga, at iba pang positive sides ng isang lalaki. At bakit? Dahil po mas magiging matatag ang relasyon namin kung love triangle kami– don't get me wrong. Love triangle means God is our center in relationship. Sabi nga, 'God is love' kaya kung Siya ang sentro ng inyong pagmamahalan, mas matututunan niyong mahalin ang isa't isa. Bago ako pumasok sa isang relasyon, gusto ko buong-buo ako– 'yong tipong handa na ako– hindi 'yong minamadali. At ang about sa ideal man, hindi na 'yan kailangan para sa 'kin kasi kapag nagmahal ka na, mababasura lang lahat ng mga gusto mo sa isang lalaki. Kasi kapag mahal mo, lahat ng imperfections niya ay mamahalin mo. At ang ideal man ko ay ang will ng Diyos para sa 'kin dahil mas masaya 'yon, mas mamahalin ko at the best. 'Yon lang po, salamat!" nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang matapos. Nagpalakpakan ang nakarinig ng kanyang sagot. Nagsisigawan sila Elisha at Mary sa naging sagot niya.

"Next, candidate number, 2!" umabante si Lorraine nang siya ang mabunot ng judge #2. Binigyan din siya ng mic. "Hi, you're Lorraine na pamangkin ni Faith, right?"

"Yes po," sabi ni Lorraine.

"Okay. So this is the question. It's piece of cake for you. Ilagay mo ang saliri mo sa isang sitwasyon na kung saan ay nabu-bully ka, pinagti-tripan ng mga kaklase. Nilalait ka sa lahat o ika'y kanilang inaalipin. Dumating 'yong time na nagkaroon ka ng chance na gumanti dahil may tumulong sa 'yo. Isa ka palang long lost daughter ng mayaman sa lugar niyo at ikaw ay lumaki sa hirap at dahil doon, lagi nilang pinagmumukha sa 'yo na hindi mo mapapantayan at maabutan ang mga naabot ng bullies sa 'yo. At dumating 'yong time na nagsisisi sila sa ginawa nila sa 'yo. They ask for forgiveness. Ano ang gagawin mo? Maghihiganti ka o papatawarin mo sila?" tanong sa kanya.

"Nananadya ba ang kainis na judge na ito? Alam ba niya ang nakaraan ko? Kalma. This is a pageant. You need to answer that according to bible. You need to win," sabi niya sa isip. "Kung nasa sitwasyon akong gan'yan, s'yempre hindi ko maiiwasang hindi magalit sa kanila. Ikaw ba naman na laging pagtripan? Laging i-bully? Laging ipagmukha na mahina ka? Laging ipagmukha na pangit ka? Lahat ng negatives itinitira sa 'yo? S'yempre, magagalit ako sa kanila. I hate them to death! They destroyed my life na sana masaya akong nabubuhay. Ang tanong kung gaganti ako? Isa lang ang sagot. No. Hindi. Bakit? Dahil ako lang ang magsasayang ng effort. Ako lang ang mahihirapan. Ako lang ang nabibigatan sa dibdib. Sayang oras ko sa paghihiganti. Bakit hindi ko nalang ilaan ang mga oras na 'yon sa paghilom ng mga sugat na dulot nila? I'll chose to forgive them. Mas sasaya ako. Hihingi na nga sila ng tawad, tapos magmamatigas pa ako? Sabi nga mahalin mo ang kaaway mo kaya mas nakakabuting patawarin ko sila kaysa gawin ko rin ang ginawa nila sa 'kin. Ano 'yon, balikan kami ng mga masasamang gawa? Wala, parang nagpapasahan lang. Thank you!" Nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanyang sagot. Si Lorraine ay nagtataka kung saan nanggaling ang naging sagot. "Ako ba talaga ang sumagot no'n?" sabi sa sarili. Natatawa pa siya t'saka tumalikod.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon