Elisha's POV
LUNES NA ngayon, August 15, 20**. Kasalukuyang naririto na ako sa school. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako para sa araw na ito. Basta, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Kaninang umaga kasi may ka-chat si Mama. Hindi ko maunawaan kung bakit ang lungkot niya. Tapos umiiling-iling pa siya, nagpupunas ng pawis sa noo sa pamamagitan ng kanyang kamay. Dahil may pagka-tsimosa akong konti– o sabihin nating curiosity, sinilip ko kung sino ang ka-chat niya. Wala naman akong balak basahin ang chats nila. Ang nais ko'y malaman lang kung sino ang dahilan kung bakit nalulungkot si Mama. Ang tanging nasinag ng aking mata ay letter "V" ang simula ng ka-chat niya dahil mabilis akong nahuli na sumisilip. 'Yon na e! Hay.
"Ano ba ang nangyari sa 'yo Elisha? B-Bakit hindi ka ma-comfortable?" naguguluhang wika ni Janelle sa 'kin.
"A-Ah, w-wala 'to–"
"Anong wala na naman? Masiyado ka kasing malihim. Alam mo ba 'yon? Kaya mas lalo mo akong pinag-aalala e!" hindi ko mawari kung galit o concern ba 'tong si Janelle. Tumitingin siya ng deretso sa 'kin at dahil nakadama ako ng ilang, agad akong umiwas. "Hindi ka makatingin ng deretso sa 'kin, means may hindi ka sinasabi sa 'min. S-Sige, kung handa ka ng sabihin ang inililihim mo, handa akong makinig." sabay talikod niya sa 'kin kahit na magkatabi pa kami. Iba talaga 'pag nagtampo ang best friend. Hirap tiisin. Sana kung gano'n lang kadaling i-kwento nang walang halong emosyon na nadadama.
"P-Pasensiya na talaga." sabi kong totoo at hinawakan ko siya sa balikat subalit agad naman niyang tinatanggal. "Sorry. Alam kong nagsasabi sa 'kin ng mga problema mo. Huwag kang mag-alala, ngayong araw na 'to aking sasabihin. Naalala mo ba 'yong noong namatay si Papa? Meron akong hindi sinabi sa inyo ni Caleb–"
"S-Sorry nabigla ako!" ani Janelle. "May pino-problema rin kasi ako. Sabihan nalang tayo?" lumingon na siya sa 'kin at niyakap ako. Kaya pala nasigawan ako. May iniisip.
"S-Sige mamaya nalang after classes para maraming oras para sa pagdadrama!" sabay tawa ko pa at naghalakhakan nalang kami. Dinadaan nalang namin sa tawa ang lahat kahit na walang nakikitang dahilan para tumawa at magpakabaliw ng ganito. Effective talaga ang life verse ko. At nagkalas na kami ng yakap.
"O? Bakit nagtatawanan kayo?" napalingon kami sa kadarating lamang dahil dala-dala niya ang kanyang bag pack sa likod niya. Ibinaba ang bag saka umupo.
Tumingin ako kay Janelle upang ipabatid na siya ang sumagot kay Caleb. "W-Wala lang 'to. Nag-joke kasi 'tong si Elisha– nagnak-knock! Oo! G-Grabe e! Ang b-benta sa 'kin." sabay turo ako nito.
Sa dinami-rami ng pwedeng irason, bakit 'yong nagnak-knock pa? Janelle talaga, oo! Nang-iiwan sa ere! Baka mamaya magtanong–
"Ano 'yong ninak-knock mo ba, Elisha?" tanong ni Caleb at ngumiti. "Gusto ko rin matawa, pwede?" at tumingin siya sa 'kin na sabihin ko ang knock-knock ko.
Eto na ang sinasabi ko! Mang-iiwan Janelle! Mang-iiwan!
"Ahm," nag-iisip ako at pilit pigain ang utak ko upang makaisip ng joke. Janelle naman kasi e! Tumitingin si Janelle sa 'kin nang nang-aasar at tumatawa pa siya! O de wow.
"Sige na. Para may mapagtripan ako. Pabebe ka na rin, Elisha?" at nagtawanan sila ni Janelle nang sabihin 'yon ni Caleb. "Sige, itatawa ko 'yan hindi ko iwa-walley."
Hmm. Kainis! Wala akong maisip! Ano ba ang ininom ko kaninang umaga? Ano ba ang kinain ko? A-Anong pwede? Huhu.
BINABASA MO ANG
Faith Academy (Editing)
SpirituellesAre you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, learn with them, share your life with them, and have a mission to share good news with other people. E...