Chapter 55: The Reason

265 18 4
                                    

Elisha's POV

KINABUKASAN, narito na ako sa school. Biyernes na naman pala means uuwi ako kila Mommy. Masaya naman akong kasama siya e, kaso naiinis naman ako kay Sir Perez.

"Announcement guys!" Nakuha ni Caleb ang aking atensyon. "Wala tayong klase kay Miss Alfonse dahil may pinuntahan siyang ibang school. Naalala niyo na may i-a-announce siya sa Lunes? Baka ito ang kanyang sinisikaso. Ang bilin niya ay gawin na ang dapat gawin sa ibang subject. So kaya behave tayo guys!"

Ano kaya ang sinikaso niya?

Marami ang masaya, mayroon naman ang hindi. Ako'y nalulungkot dahil wala siya ngayon. Best friend niya kaya ang magtututo ngayon?

"Lalim ng iniisip natin ah? Share naman!" pang-aasar ni Janelle. Hindi ko siya pinansin.

"Oo Janelle. Oo, ito/iyon ang iniisip ko."

"Sabi mo 'yan," sabi ko. "Uso na palang kausapin ang sarili?"

"Nakakatawa. Ha-ha-ha!" sarkastikong tugon niya.

"Ha-ha-ha?"

"He-he-he?" ganti naman niya.

"Hi-hi-hi?" sagot ko.

"Ho-ho-ho! Merry Christmas?" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon. Sinamaan namin iyon ng tingin.

"Para kasi kayong mga baliw diyan. Behave nga dapat– behave!" nag-sermon pa siya.

"Jona!" parang pasigaw na tawag ni Janelle.

"Mas baliw ka," bulong ko ngunit hindi ko alam kung narinig?

"Ako baliw?" malakas ang boses ni Jona kahit na patanong.

"Hmm Jona ang pangalan mo hindi baliw e?" kunwaring hindi ko siya naintindihan.

Natatawa si Janelle at napapapatakip sa bibig dahil sa lakas ng paghalakhak. Pinagkakagitnaan niya kami.

"Ayoko na nga." sabi ni Jona.

"Talaga ate ayaw mo na? Ganoon ka kabilis sumuko?" Sinamaan ng tingin ni Jona ang kanyang kapatid.

"E di wow." Nakakasawang linya ang kanyang sinabi.

"Shh! May nagkaklase sa kabila. Ingay niyo," tingnan ko kung sino ang kj na nagsuway sa aming kasiyahan.

Napagitla ako nang ma-realize kung sino. "K-Kj mo, C-Caleb."

"Binilin lang naman sa akin e?"

Sa tuwing nagkakausap kami, kinakabahan ako. Napapautal-utal pa. Ano na talaga ang nangyayari sa akin?

"Ang ano mo, Caleb." Napalingon ako kay Janelle at napansin ko ang mga tinging itinapon niya kay Caleb. 'Yong tingin na may gusto sa isang tao. Hays, napapraning lang siguro ako.

"Ewan ko sa inyo basta hinaan niyo ang boses. Behave kayo– baka nakakalimutan niyo na ako ang President dito sa classroom," puno ng otoridad ang pagkasabi niya. "Huwag matigas ang ulo. Paparating na si Ma'am Rowena."

Kaya ito, nanahimik na kami ni Janelle. Nagtinginan kami na para bang nag-uusap t'saka natawa. Nahiya naman kasi kami sa kanya– siya na ang responsible na estudyante, kami na ang matigas ang ulo. Ginalingan e!

Napamasid na lamang ako sa pintuan at papasok na si Ma'am.

Mabilis na nagdaan ang oras. Kakalabas lang ni Ma'am Grace. Nag-enjoy lang ako sa science– sa subject niya. Magaling din kasi siya magturo sa amin. Advisory class niya ang SSC students– Grade 10.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon