Chapter 1

163 7 0
                                    

Synopsis 

Title: Series #4- Ultimate Crush

(Ultimate Barkada Series

Chapter 1

Roxanne’s Pov

Napalingon ako sa tawag ni Edz. Lumapit ako sa kanya—loko 'to, kanina pa ako naghihintay sa kanila, ngayon lang dumating. Todo pa-cute pa habang palapit sa 'kin, wala namang kasama.  

"Nandito ka na pala. Anong petsa na? Kanina pa kita hinihintay, ang tagal mo!" mataray kong sabi sa kanya. Kakainis kasi—ayaw na ayaw ko ng naghihintay. Tapos, nagpa-cute pa siya.  

"Pasensya na po, Roxanne. Late na ako nakatulog kagabi. Tara na nga, nakasimangot ka na naman diyan." Hinila na niya ako.  

Habang naglalakad kami sa campus, may lumapit sa amin. Napahinto kaming dalawa ni Edz. Namukhaan ko siya, at nagkatinginan lang kami ni Edz.  

"Puwede bang sumabay? Wala kasi akong kakilala."  

Nagkatinginan ulit kami ni Edz. Mukha naman siyang mabait. Guwapo rin. Pero hindi ako nagkakamali—nakita ko na siya dati.  

"Oo naman," sagot agad ni Edz. Mabilis pa sa sikat ng araw kung umoo ang babaeng 'to.  

"Namumukhaan ko kayo. Parang nakita ko na kayo dati sa dating school ko noong high school, kaya nga lumapit ako sa inyo."  

Napakunot-noo lang ako sa kanya. Pero pamilyar din kasi siya sa 'kin. Parang pareho kami ng iniisip ni Edz. Gusto ko siyang tanungin, pero nahihiya naman ako—feeling close naman ako nito.  

"Ako nga pala si Mon."  

Wow, ang daldal niya. Siya pa talaga ang nagpakilala. Mukhang magkakasundo kami. Nagpakilala rin kami ni Edz. Hindi siya nawawalan ng sasabihin habang naglalakad kami.  

Hinahanap kasi namin ang room namin, pero itong kasama namin, nakasunod lang sa 'min. Huwag niyang sabihing kami pa ang maghahatid sa kanya—ni hindi nga namin alam kung sino siya. Napaseryoso ako at tumingin sa kanya.  

"Anong course mo?" Hindi ko napigilang tanungin siya. Sunod kasi siya nang sunod.  

"Computer Engineering ang kinuha ko ngayon. Dati kasi, nag-enroll ako sa Accountancy, pero first choice ko talaga ang Engineering kahit ayaw ng parents ko. Kinuha ko pa rin kasi gusto ko."

Wow, hanep din si Edz—feel na feel niya ang pagiging close nila. Nakikinig lang ako sa usapan nila hanggang sa nahanap namin ang room namin. Napatingin ako sa magiging kaklase namin. May tahimik lang na nakaupo sa unahan—mukhang wala siyang kakilala. Iba naman ang iingay, halatang magkakilala sila base sa usapan nila. Tulad namin ni Edz, magkasama rin sila.

Si Tin kasi, kasama si Kevz. Kahit kailan talaga, ang babagal kumilos ng dalawang 'yon. Si George naman, iniwan ko na—ayaw ko siyang kasama, ang daldal din kasi.

"So! Classmate ka namin ni Roxanne!"

"Wow, ang tatahimik ng mga kaklase natin, hindi namamansin," sabi ko sa kanila.

"Malamang, Roxanne. Hindi pa nila tayo kilala. Ikaw talaga," pagbabara ni Edz sa akin.

"Teka, Roxanne, si Jeniz 'yon, di ba?" sabay turo niya. Palapit sa amin si Jeniz.

"Si Jeniz nga!" Lahat na lang napapansin ni Edz. Hinatak niya ako palabas para lapitan si Jeniz, pero mukhang hindi niya kami napansin. Mag-isa lang siya.

"Jeniz!" sigaw ko sa kanya. Napalingon siya sa amin, nagulat nang makita kami, tapos biglang tumawa. Napayakap siya sa amin.

"Akala ko wala na akong makikilala rito!"

"Sama ka na lang sa amin." Pinakilala namin si Monz sa kanya.

"Mukhang magkakaroon tayo agad ng grupo," natatawang sabi ni Edz.

"Andiyan na ang teacher natin!" sigaw ni Monz. Maingay din ang lalaking 'to.

"Bilisan niyo na, unang araw pa lang natin," sabi ko sa kanila. Mabilis kaming naglakad. Wala kaming choice kundi umupo sa unahan kasi puno na ang hulihan. Kahit sina Tin, Kevz, at George, magkatabi silang tatlo sa likod. Napatingin lang ako sa kanila bago naupo.

Gusto ko sanang katabi sina Tin at Kevz, pero hinila na ako ni Edz sa unahan. Hindi ako masyadong nakafocus, nakikinig lang ako hanggang sa natapos ang unang subject namin.

"Hay, isa lang ang pumasok na teacher natin ngayon. Tapos may pinagawa lang sa atin. Sakit sa kamay!" reklamo ko sa kanila.

"Ganda kasi ng sulat mo, Roxanne," sabay tawa ni Edz.

"Anong maganda rito, Edz? Tinatamad nga ako!"

"Ako na nga magsusulat!" Inagaw ni Edz ang notebook ko.

"Kain muna tayo?" yaya ko sa kanila. Sabay-sabay na kaming lumabas.

"Saan ba tayo kakain? Gusto ko na kumain!" Kung alam ko lang na malayo, hindi na lang sana ako sumama.

"Ang layo naman, Monz! Gutom na ako," reklamo ko habang napaharap sa kanya.

"Malapit na tayo, Roxanne! Ito na oh!" sabay hila niya sa 'kin. Napaatras ako—ang daming kumakain dito!

Paano niya nalaman 'to? Hindi na lang ako nagsalita at agad akong naupo. Nakakapagod kaya maglakad! Sila na ang nag-order, kaya naghintay na lang ako.

Nakita ko silang sarap na sarap sa pagkain nila habang kumakain sa kanya-kanyang table. Parang sirang plaka akong nakatingin sa kanila habang naghihintay ng order namin.

Maya-maya, dumating na rin ang pagkain namin. Para akong natakam nang makita ko ang pansit na may sabaw—favorite ko kasi! Hindi ko na napigilan at nauna agad akong kumain. Kinuha ko agad ang pagkain at pagkatikim ko, natahimik ako.

Ang sarap kasi! Kaya pala ang daming dumadayo rito, kahit ang layo kung lalakarin.

"Wow! Ang sarap pala nito, pansit, Monz!" sigaw ni Edz.

"Sabi ko na sa inyo, masarap, 'di ba? Ito na lagi tayong kakain!"

"Wow naman! Ang layo kaya! Pagbalik natin, malamang gutom na ulit tayo," sabi ko sa kanya.

"Kung ayaw mo sumama, 'wag ka nang sumama! Do'n ka na lang sa room. Magutom ka mag-isa mo," sabi ni Edz sa akin. Mga loko 'to—tinawanan pa ako! Ang layo naman talaga, eh! Hindi na talaga ako sasama sa kanila. Loko 'tong si Edz, nakahanap lang ng kasama, nakalimutan na ako.

"Loko ka, Edz."

"Ang arte mo kasi. Tara na, balik na tayo sa room."

Napasunod na lang ako sa kanila—as if sasama pa ako next time.

Pagkarating namin sa room, agad kong nilapitan sina Kevz at Tin at tumabi sa kanila.

"Hoy, alis ka nga riyan," sabat ni George.

Napatingin ako sa kanya nang masama. Ang sarap sabunutan ng lalaking 'to! Alam niyang nakaupo na ako, tapos pinaalis pa katabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Ang loko, pinaalis ang katabi ko—siya tuloy ang naging katabi ko! Sana pala sa unahan na lang ako umupo. Ang gugulo sa likuran, lalo na si George—panay kulit sa 'kin. Kung wala lang 'tong prof namin, pinag-uuntog ko na sila!

Hindi ko namalayan, uwian na pala.

"Saan tayo?" tanong ni Edz sabay lapit sa amin.

Habang si Jeniz tahimik lang, biglang lumapit sa kanya si George.

"Uuwi na ako," sabay talikod ko sa kanila.

"Sama ako!" Napalapit si Tin at sabay hila sa 'kin.

Naglakad na kami pauwi.

"Hindi ka susunduin ni John?" tanong ko.

Umiling lang si Tin. Tahimik lang ako, hinila ko na siya palayo. Ramdam ko kasing palapit si George sa amin.

Nagtawanan na lang kami ni Tin nang makalayo kami.

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon