Chapter 19

25 4 0
                                        

Chapter 19

Roxanne's Pov 

"Wow, andyan na sila!" Rinig ko ang sigaw ni Harold. Nabingi ako do'n ha.

"Magkasama si Emz at Edz." Loko talaga si Harold, ang lakas ng boses. Obvious ba? Kasama nga namin sila. Napalapit na kami sa kanila.

"Paano na 'yan, Dolandz? Wala ka nang pag-asa kay Edz." Natawa ako kay Monz—inaasar na naman si Dolandz.

"Gago, tara na nga!"

"Saan ka pupunta, Doland?"

"Pikon naman 'to!" Tawang-tawa si Monz sa kanya.

"Hala, si Dolandz na naman ang trip niyo," sabi ko sa kanila.

"Si Edz kasi! Mamili ka na kasi sa dalawa!" sabay tawa ni Harold.

"Pag nakita ko ang dream boy ko!"

"Wow naman, may dream boy ka pang nalalaman!" sabay tawa ni Harold.

"Alis nga kayo, may mga lover dito. Nilalanggam na kami sa inyo!"

"'Yan kasi, Jeniz, maghanap ka na rin!" sabay lapit ni George kay Jeniz.

"Nagsalita rin ang may girlfriend!"

"Sino, George? 'Yong katext mo?"

"Grabe ka, Emz! Ipagsigawan mo pa talaga!" Natawa ako sa sinabi ni George.

"Tahimik niyo! Anong nangyari sa inyo? Kanina lang ang ingay-ingay niyo," sabi ko kina Kevs at Harold. Bigla na lang silang naging seryoso.

"Si Harold, break na sila ng girlfriend niya."

"Gago ka, Monz! Pinagsasabi mo! Aalis lang ang girlfriend ko!"

"Ano ngayon?" pang-aasar ni Monz sa kanya. Napailing na lang ako. Sanay na kami sa kakulitan ni Harold. Kapag tahimik siya, parang hindi normal.

"Bakasyon tayo!" Lahat kami napatingin kay Harold.

"Gusto ko 'yan! Tagaytay tayo!" sabay apir nina Monz at Harold. Nagkasundo ang dalawa. Napatingin ako sa kanila—mukhang game na game sila.

"Hindi puwede," sabi ni Jhun sa kanila.

"Bakit naman?" mataray kong tanong sa kanya.

"Wag ka nang humangal pa," sabay akbay ni George sa kanya.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Tin. Sabay-sabay na kaming nagsialisan. 'Yong mukha ni Jhun, akala mo naman hindi ko siya makikita. O.A. naman nito.

Team Roxanne: Emz, Harold, Tin, Kevs, at Monz.
Team Jhun: Edz, George, Jeniz, KC, at Dolandz.

"Pasaway ka, Harold! Naisip mo talaga 'yon ha!"

"Si Monz ang unang nakaisip," bulong niya sa akin.

"Sabi niya, magkateam daw dapat, magkasama!"

Natawa na lang ako. Iba rin ang trip ng mga 'to.

"Teka, saan na sila? Nauna pa sa'tin!"

"Ang bagal mo kasi, Emz!"

"Gago, ikaw kaya mag-drive!" Tinawanan lang ni Harold si Emz.

"Game ako riyan!" pagyayabang pa ni Harold sa kanya.

"'Wag na. Baka ibangga mo lang 'yan, Harold," sabi ko sa kanila.

"Grabe ka, Roxanne! Lagi ka nga sa'kin nakikisakay."

"Motor lang 'yon, Harold," sabi ko sa kanya.

"Andito na tayo. Saan na sila?" tanong ni Emz sa amin.

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon