Chapter 12
Roxanne's Pov
"Sino 'yon, Roxanne? Manliligaw mo?" tanong ni Mhyco habang napatingin ako sa kanya.
"Hindi, kaklase namin 'yan. Sobrang mahangin lang."
"Kung makatingin sa'yo, parang girlfriend ka niya."
"Hayaan mo siya, nang-aasar lang 'yan."
"Bakit alam niya na nandito tayo?" Napatingin ako sa kanila. "May kinalaman kayo rito?"
Napatingin sila sa akin sa sinabi ko.
"Malay namin! Dito rin sila," sagot ni Emz.
"Ito si Harold, tanungin mo. Baka may alam 'yan."
"Grabe ka, Mon! Ako naman nakita mo agad? Malay ko rin! Atsaka si Tin, malapit lang dito kina Emz at George, ah!"
"Hoy, ako na naman ang tinuro mo riyan! Malay ko ba? Dapat kayo ang nakakaalam niyan, Roxanne at Mon. Hindi ba kayo tine-text nila Edz kung nasaan sila?"
"Ikaw, Emz, alam mo?" sabay lapit ni Monz sa kanya.
"Gago kayo! Ako talaga?" sabay turo ni Emz sa sarili niya. "Nakatext ko lang si Kevz kanina," sagot niya, seryoso.
"Huwag niyo na lang pansinin 'yan si Jhun. Maloko lang talaga 'yan."
"Palibhasa kasi kaibigan mo," singit ni Monz.
"Grabe ka, Monz! Mabait si Jhun, 'wag mo lang pansinin Roxanne," sagot ni Emz.
Sinimangutan ko na lang siya.
"Loko ka, Emz! Nakakainis ka! 'Yang lalaking 'yan..."
"Ano 'to, chikahan na lang ba tayo? Tingnan niyo sila, oh! Gago, busog na busog na sila habang tayo, hindi pa nakakasimula," sabat ni Kevz, mukhang istrikto naming leader.
"Hala, Emz! Baka ubos na pagkain natin!"
"Grabe ka, pagkain agad nasa isip mo, Harold! Simulan na natin," yaya ko sa kanila.
Lahat kami naging busy sa ginagawa namin, hanggang sa hindi namin namalayan na maggagabi na pala. Naramdaman ko ang gutom nang bigyan ako ni Mhyco ng tinapay at juice.
"Gago, nakakahurt ka naman, Mhyco! Si Roxanne lang talaga? Asan na sa'min?" reklamo ni Harold.
Dahil doon, binigay ko sa kanya 'yung tinapay at juice na binigay ni Mhyco.
"Saan ka pupunta, Kevz?" tanong ko sa kanya sabay hila niya sa akin.
"Sama ako!" sigaw ni Harold. Lahat sila sumunod sa'min.
"Siraulo ka, Harold! Ang ingay mo kasi," sabi ko. Tinawanan lang namin siya.
"Ang tagal nila doon. Ano kaya ginagawa nila? Nagtatawanan pa sila?" Napalingon ako kay Tin, panay ang tingin niya sa loob.
"Mukhang nanonood sila ng movie. Loko 'to si George, nakialam na naman," sabay yaya ni Emz sa amin.
"Tingnan niyo, kausap ni Mhyco si Jhun," bulong ni Monz.
Napalingon ako sa grupo nila sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan. Sa yabang ni Jhun, baka kung ano na namang masabi niya kay Mhyco.
Nakalapit ako para siguruhing hindi magkakagulo. Napasunod din si Emz sa akin.
"Relax lang, Roxanne. Mabait 'yan si Jhun," sabi ni Emz habang nakatingin sa akin.
"Pero si Mhyco, mainitin ang ulo. Sa yabang ni Jhun..."
"Kilala niyo si Mhyco?" Biglang sumingit si Harold, sumunod din pala sa amin.
Napakunot-noo ako. Pinagsasabi nito? Alam naman niya na kilala namin si Mhyco.

BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...