Chapter 3

87 6 0
                                        

Chapter 3

Jhun's Pov

"Late ka na, gago ka." Umakbay pa talaga si George sa'kin. Ano na naman ang balak ng lalaking 'to? Ngiting-ngiti pa siya. Tinalikuran ko siya at pumasok ako sa loob.

Tumabi ako kay Gian pagkakita ko sa kanya—isa sa mga nakalaro ko dati, kilala rin ng mga barkada ko. Wala naman akong mapapala kay George. Habang naglalakad ako, ramdam kong nakasunod pa rin ang loko. Mukhang may katabi siya ngayon, at rinig na rinig ko ang taong katabi niya na pinapaalis siya. Ano na naman kaya ang ginawa ng loko? Narinig ko rin ang tawa niya. Hindi talaga nagbabago. Kawawa naman 'yung katabi niya. Maloko talaga ang gago.

"Good morning, ma'am," bati ko sa prof namin. Napatingin sa'kin ang mga kaklase ko. 'Wag nilang sabihin na nagaguwapuhan sila sa'kin.

"Estudyante ka ba rito?" tanong ng prof namin, seryoso ang mukha. Napalapit ako at iniabot ang class card ko.

"Opo, ma'am." Mukhang istrikta nga ang prof namin. Tama nga ang sinabi nila.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong niya habang seryosong nakaharap sa akin.

"Jhun po."

"Bago ka lang dito?"

"Opo, ma'am."

"Sige, makakaupo ka na."

"Puwede na tayong mag-start. Una sa lahat, ayaw na ayaw kong may nalalate sa subject ko. Naiintindihan niyo ba?" tanong niya sa amin, pero pakiramdam ko ay sa akin siya nakatingin. Napayuko na lang ako.

"Opo, ma'am," sagot naming lahat. Nakaupo na ako habang si George naman sa likod ko, panay ang kalabit. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Siguro naman alam niyo na 'to? Tinuro na ito sa inyo noong high school, 'di ba? May ipapagawa ako mamaya, tatawag ako sa inyo. Labinlimang minuto lang ang ibibigay ko."

"Roxanne, pakopya," rinig kong sabi ng isang babae.

"Wala pa akong sagot," sagot naman ni Roxanne. Napalingon ako sa unahan. Mukhang kinukulit siya ng mga kaklase namin.

"Hala, nakatingin na si ma'am sa class card natin," narinig kong sabi ng iba.

"Ayan na, tatawag na," sabat ng isang lalaki. Parang pamilyar siya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Saan ko ba siya nakita?

"Kopyahin niyo na nga," sabi ni Roxanne sa kanila. Wow, ang bait naman! Tiwalang-tiwala sila sa kanya.

"Tatawag na ako kung sino ang magsosolve nito."

Napalingon ako sa unahan. Seryoso na si Ma'am habang nakahawak sa class card.

Una niyang tinawag si Harold. Napatingin ako kung sino si Harold na sinasabi ni Ma'am.

"Uy, Harold! Tawag ka ni Madam."

"Hala, paano 'to? Roxanne, paturo naman."

Siya pala si Harold, sabi ko sa isip ko.

"Gayain mo na lang," sabi ni Roxanne sabay abot ng papel kay Harold. Hindi ako nakatiis at napatingin ako kay Roxanne habang binibigyan niya ng sagot si Harold. Parang namukhaan ko siya. Napangiti ako nang maalala ko kung saan ko siya nakita.

"Mali 'yan sagot mo," sabi ko sa kanya. Ewan ko kung bakit ko nasabi 'yon—inaasar ko lang siya.

"Sino nagsabing mali 'tong ginawa ko?" Napalingon ako kay Roxanne. Mukhang nagalit siya.

"Yung bagong pasok kaninang lalaki," sabay turo ni Harold sa akin.

"Ako? Bakit?" sagot ko kay Harold.

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon