Chapter 11
Jhun's Pov
"Good morning, madlang pipol! Late na ba ako?" sigaw ko habang papalapit sa bahay nila Emz. Narinig ko kasi ang malakas na boses ni Monz. Nasa gate ako nila George nang mapalingon ako sa tapat nila Emz. Napansin ko sila, kaya naisipan kong puntahan.
Napatingin silang lahat sa akin habang papalapit ako, todo ngiti pa sana ako sa kanila. Hindi pa ako nakuntento—tumabi pa ako kay Roxanne, na may kausap. Sino kaya 'yun? Nakangiti pa siya habang nakaharap sa lalaki. Napatingin ako sa katabi niya. Ako, mas guwapo pa ako riyan, sabi ko sa isip ko.
"Hi, Roxanne," bati ko.
Tiningnan lang niya ako.
"Hi," sabi ko ulit, nagpacute pa habang nakatitig sa kanya.
"Hi! Dedma lang," mahina kong sabi.
"Narinig kita, atsaka hindi mo kailangang ulit-ulitin. Ano ka, unli?" sagot niya nang mataray. "Bakit nandito ka? Nasa kabila 'yung ka-group mo."
Nginitian ko lang siya. "Nakita kasi kita. Andito ka kasi, nagpapasaya sa'kin."
Biglang nag-iba ang mukha ni Roxanne—parang mangangain ng buhay—habang 'yung katabi niya nakatingin lang sa amin.
"Hindi mo ba ako titigilan?" asik niya.
Ngumiti lang ako. "Hindi! Hindi mo pa nga ako pinapakilala sa katabi mo."
"Bakit, type mo siya?" tanong niya. Napangiti naman 'yung lalaki kasama niya.
"Gago, Roxanne! Ano trip mo? Gusto mo, halikan kita sa harap ng kaibigan mo?" biro ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong sabunutan. Napahawak ako sa kamay niya, hindi niya kasi ako tinigilan. Nagkatinginan kami. Napatingin ako sa labi niya. Ang sarap halikan. Napangiti ako at bahagyang lumapit sa kanya—pero bigla niya akong tinulak.
Hindi ko naman talaga siya hahalikan! Aasarin ko lang dapat siya at 'yung kasama niya, gusto ko lang makita reaksyon nila. Napangiti lang ako at humarap ulit sa kanya. Bigla namang napayuko si Roxanne.
"Gago ka! Do'n ka nga sa grupo mo!" singhal niya sabay kalabit sa'kin ni Emz.
"Mamaya na, maaga pa. Dito muna ako sa soon-to-be asawa ko."
Ewan ko ba, pero kusa na lang lumalabas sa bibig ko 'yun. Naiinis kasi ako nang makita kong sobrang saya ni Roxanne habang kausap 'yung lalaki. Samantalang sa'kin, nakasimangot siya.
Nagsorry naman ako sa kanya, pero ang init pa rin ng ulo niya sa'kin. Dahil ba sinabi kong mali ang sagot niya kanina? Masyado namang madamdamin si Roxanne.
"Nasa kabila ka, group mo 'yon!" pangtataboy naman sa'kin ni Emz. Isa pa 'tong hindi nakikisama!
"Hayaan mo na 'yon. Maaga pa naman," sabi ko kay Emz.
Napasimangot siya at hinarap ako, biglang naging seryoso.
"Puwes, umalis ka! Kami, gusto na naming matapos 'to. Nakakaistorbo ka sa ginagawa namin."
"Ang dali lang naman niyan."
"Hindi ka talaga nawawalan ng dahilan. Talagang naghahanap ka ng butas! Tumulong ka sa grupo niyo."
"Tapos na kami," sabay-sabay nilang sabi.
Napalingon ako sa kanila. Ano 'tong mga 'to? Ba't andito silang lahat?
"Tapos na project natin!" sigaw nila, inulit pa talaga.
"Kailangan ba talaga sabay-sabay kayong sumigaw? Nabingi kami sa inyo!"
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
