Chapter 7
Roxanne's Pov
"Ang ganda ng gising niyo ha! Ang saya-saya niyo pa?" sabi ko sa kanila. Nagpacute pa kasi habang nakaharap sa'kin.
"Hay naku, friend, crush ko si Jhun."
Napaseryoso ako at napatingin kay Edz. Sinabi ko na eh, itong mga 'to, makakita lang ng guwapo, crush agad. Saksakan naman ng yabang.
"Crush mo Edz?" Pag-uulit ko sa sinabi niya.
"Oo, pero crush lang. Halata namang type ka no'n." Sabay tawa ni Edz sa'kin.
Ano raw? Pinagsasabi niya? Hindi ko nga crush 'yon.
"Wag ka ngang magselos, Roxanne."
Ano raw? Napakunot-noo na lang ako at napaharap sa kanila. Parang hindi ko gusto ang usapang 'to. Siya ang nagkacrush, pero sa'kin sinisiksik.
"Pakialam ko do'n." Sa tuwing naririnig ko pangalan ni Jhun, naiinis na lang ako bigla.
"Weh! Ang sabi nga niya, friend na kayo."
Napatingin ako sa kanila.
"Sino nagsabi sa’yo?" tanong ko sa kanila. Nakabusangot ang mukha ko habang hinarap sila. Sila ba ang nagbigay ng number ko sa lalaking 'yon?
"Sabi niya sa'min."
"Correct ka riyan, Edz. Nagtext din siya sa'min ni Kc." Sabay apir ni Kc at Jeniz.
"Katext niyo siya?" Napalakas ang boses ko sa kanila.
"Kayo siguro ang nagbigay ng number ko!"
"Kami agad? Grabe siya! Hindi kami!"
"Eh sino?" mataray kong tanong kay Edz. Sila lang naman ang nakakaalam ng number ko.
"Ewan namin. Ano ka ba, Roxanne, okay lang 'yon. Friend na nga kayo!" sabay tawa ni Edz.
Naiinis na ako sa kanila. Bakit ba pinagpipilitan nilang magkaibigan na kami?
"Anong meron? Mukhang masinsinan kayo nag-uusap," biglang sabat ni George.
"Hoy George, kunwari ka pa! Mangongopya ka na naman sa amin ng sagot."
"Grabe naman 'to si Edz, ngayon lang naman."
"Ngayon lang daw! Palusot ka pa! Lalapit ka lang sa amin kapag may kailangan."
Tinawanan lang kami ni George. Gano'n naman talaga siya. Kilala na namin ang isa't-isa.
"Si Mon, nasaan?" tanong ni George sabay akbay sa'kin.
Napansin ko rin na hindi namin siya kasama. Pinagtataka ko kung bakit hinahanap ni George si Mon.
"Kasama girlfriend niya, nakita ko."
Napalingon kami lahat. Napasimangot ako nang makita siya.
"Hi, Roxanne," sabi niya sa akin.
Tinarayan ko lang siya. Papansin din ang isang 'to.
"Sungit mo na naman. Akala ko ba, friend na tayo?"
"Naku, Jhun, 'wag kang magsimula ngayon," sabay akbay ni George sa kanya.
"Si Kevs at Tin, wala pa ba sila?"
Napatingin ako kay George. Ang sarap sabunutan ng lalaking 'to. Kanina pa niya hinahanap ang wala rito.
"Bakit mo sila hinahanap? 'Wag mong sabihing sa kanila ka hihingi ng sagot sa assignment," sabi ko sa kanya.
"Ang sasama niyo!" sabi ni George sa amin.
Natawa ako sabay abot ng assignment ko sa kanya.
"Tingnan ko nga?"
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
