Chapter 16
Emz's Pov
"Si Roxanne at Jhun 'yon ha! Sila na ba, George?" tanong ko sa kanila. Napalapit pa sa akin si George—mukhang makikitsismis din ang isang 'to.
"Bakit hindi mo tanungin? Napapansin ko rin na madalas silang magkasama."
Napatingin lang ako kay George. Mukhang hindi lang ako ang nakakahalata. Akala ko, sa cellphone lang siya nakatutok.
"Gago, iba rin galawan ni Jhun! Paano niya napaamo si Roxanne? Si Roxanne 'yon, eh! Mahirap pa sa daga!"
Natawa ako sa sinabi ni George. Gago, kahit ako nagulat din. Kilala namin si Roxanne—pili lang ang kinakausap niya.
"May isa lang problema… Balita ko, andito na si Nica."
Napatingin ako kay George. Ibig sabihin, totoo ang nababalitaan ko—andito na nga si Nica. Hindi ko lang masabi sa kanila dahil ayaw kong masaktan si Jhun. Okay na siya. Nakapag-move on na siya sa sakit na pinagdaanan niya.
Natakot akong bumalik ang sakit na naramdaman niya noon. Gago, hindi namin siya makausap noon—lagi niyang gustong mapag-isa. Kaya nga kahit mahirap, hindi namin siya nakakasama. Lagi siyang binabantayan ng kapatid niya. Simula noon, hindi na namin siya nakasama dahil sa kagustuhan ng parents niya. Nilayo siya sa amin kasi tuwing kasama niya kami, hindi siya makapag-move on. Siguro dahil naaalala niya si Nica sa amin.
Napagkasunduan ng parents niya na kung nasaan ang kapatid niya, doon din siya mag-aaral. Tinanggap na lang namin ‘yon—para kay Jhun naman ‘yon. Para sa ikabubuti niya.
"Balita ko nga rin, George," mahina kong sabi sa kanya.
"Anong meron?"
Nagkatinginan lang kami ni George. Nagulat ako sa ginawa niya—binatukan niya si Jhun.
"Gago ka! Problema mo?"
"Gago, nagparamdam ka!"
Tinawanan lang siya ni Jhun.
"Ang aga niyo," sabi ni Jhun sa amin.
"Ikaw, bakit ang aga mo? Si Roxanne ba 'yon, kasama mo?" tanong ko sa kanya.
"Sinundo ko lang siya. May practice kasi sila. Kayo, ang aga niyo?"
"Ewan ko sa gago 'to, sinama ako."
Tinawanan ko lang ang loko. Kung hindi lang siya nagpabida, sana natutulog pa ako. Ang gago kasi, sinama pa ako sa role play ni Roxanne!
Nangangailangan kasi sila ng isa pang member—nagkasakit kasi 'yong isa nilang kasama. Wala nang oras dahil dalawang araw na lang bago ang role play nila. Kaya nga hindi ako sumali kasi hindi ko ‘yon hilig, tapos itong gago, nagpabida. Talagang sinabi pa niya ang pangalan ko!
Nagulat ako sa ginawa niya. Napatingin sa akin si Roxanne. Dahil sa pakiusap niya, napapayag na lang ako. Ang sarap tirisin ng isang 'to! Gago, may oras din sa akin ang gago ‘to! Pahamak, eh!
Pero bago ako sumang-ayon, sinabi kong walang dapat makaalam na kasali ako. Pero gago ‘to—sinabi kay Jhun! Napatingin ako kay Jhun—pinagtatawanan lang ako.
"Gago mo, George," sabi ko sa kanya.
"Relax ka lang, si Jhun lang naman ang nakakaalam. Wala naman akong balak sabihin sa iba. Gago, takot ko lang na sirain mo ang role play ng kaibigan natin! Kilala kitang gago ka—baka bigla mo na lang talikuran ang grupo tapos ako pa ang mapapa-acting doon!"
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Gago, buti sinabi mo! May idea na ako." Sabay tawa ko sa kanya.
"Gago ka, subukan mo lang!"
Pinagtawanan ko na lang sila bago ako tumalikod at lumayo.
"Saan ka pupunta?" sigaw ni George sa akin.
"May practice na kami." Iniwan ko na sila at naglakad papunta sa gym. Tahimik pa. Sabagay, maaga pa naman—6 AM pa lang. Wala pang masyadong tao.
Napatigil ako nang mapansin kong may wallet sa sahig. Agad ko itong pinulot. Nagulat ako nang biglang may yumakap sa likuran ko. Pagtingin ko sa kanya, nakita kong pinagtatawanan niya lang ako.
"Gago, Roxanne! Tinakot mo ako!"
Pinagtawanan niya lang ako.
"Ang seryoso mo kasi. Ano ba 'yan?"
"Wallet." Pinakita ko sa kanya.
"Wallet?" inulit niya habang nakatingin dito.
"Oo, nakita ko lang."
Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang wallet mula sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Parang kilala ko 'to."
Napatingin lang ako kay Roxanne habang binubuksan niya ang wallet. Bigla na lang siyang tumawa at saka iniabot ulit sa akin.
"Kay James 'yan. Nahulog siguro matapos makipaghabulan kay Shain. Madalas kasi niyang asarin si Shain, eh. Halata naman kasing may feelings siya kay James."
Natawa ako sa naisip ko. Kilala ko si James. Gago, pag kasama ko 'yon, laging may kalokohan! Madalas pa niya akong inuuto. Gago, ako pa pinagbabayad sa kinain nila ni Bryan, kesyo mayaman daw ako!
Ngayon, oras ko nang bumawi sa kanya. Tiningnan ko ang laman ng wallet—may ₱3,000 siya. Mukhang marami-rami akong ma-oorder nito! Napatingin sa akin si Roxanne.
"Wag mo sabihing sa'kin wallet niya?"
"Bakit?"
"Gago, oras ko nang gumanti. Mamaya, sabay tayo mag-lunch."
Sabay hila ko kay Roxanne—kanina pa kasi kami tinatawag. Napatingin ako kay James. Mukhang hindi pa niya napapansin na nawawala ang wallet niya.
Todo practice kami. Kahit ayaw ko, napipilitan na lang akong gawin. Ang higpit pa ng nagtuturo sa amin—konting mali lang, sumasabog na agad sa galit! Pero in fairness, magaling talaga sila. Kaya ginalingan ko na rin.
Pagdating ng tanghalian, lumapit ako kina James. Ang loko, tawang-tawa pa! Niyaya ko silang mag-lunch—si James at si Bryan. Nagkatinginan kami ni Roxanne, palihim na natawa. Sumama rin sa amin sina Maj at Shain. Ang ending? Ayon, nag-aaway na naman sina James at Shain. Gago, baka masira pa plano namin ni Roxanne!
Nagmadali na kaming lumakad papunta kay Manang. Napatingin ako kay James at Bryan—ang dami nilang in-order! Ako naman, sapat lang. Pareho lang kami ni Roxanne—sinigang na baboy lang at soft drinks para sulit.
Matapos kumain, tinawag ko si Manang. ₱1,000 ang total ng bayarin namin. Napatingin ako kay Roxanne. Grabe, ang laki ng babayaran ni James! Yan kasi, ang dami mong binili. Buti nga sa'yo!
Dahan-dahan kong kinuha ang wallet niya sa bag ko. Kinuha ko ang ₱1,000 at pinakita sa kanya bago ko ibinigay kay Manang. Sabay tingin ako kay James. Ang loko, napatayo at lumapit sa akin, sabay kuha ng wallet niya. Nagkatawanan kami ni Roxanne.
"Gago, paano napunta sa'yo wallet ko?!"
"Yan kasi, landi pa more!" sabi ko. Tumawa lang si Roxanne.
"Gago, napulot ko 'yan kanina," sagot ko sa kanya.
"Ang sarap pa ng libre, noh? Sana pala dinamihan ko ang order! Kaya lang, nakita ko ang dami mong in-order kaya nag-adjust na lang kami ni Roxanne."
Sabay high-five namin ni Roxanne. Ang mukha ni James, nakabusangot, habang si Bryan, tawang-tawa.
“Gago, sa wakas, nalibre rin ako ni James!" tawa ni Bryan.
"Gago niyo, bayaran niyo kinain niyo!" sigaw ni James.
"Mangarap ka!" sabay-sabay naming sagot bago siya tinalikuran.
Nauna nang umalis si Roxanne at sumunod na lang ako. Ang ingay pa rin ni James—hindi pa rin maka-move on! Wala kaming nagawa kundi tawanan lang siya hanggang sa hapon.
Pagkauwi namin ni Roxanne, hindi na namin siya pinansin. Ang kulit, eh!
Hinatid ko si Roxanne pauwi. Nang makapasok siya sa bahay nila, umalis na rin ako. Malapit lang naman bahay namin sa kanila.
Pagkapasok ko sa bahay, napaupo ako sa sala. Gago, pagod ako! Napapikit ako at biglang naramdaman ang sakit ng paa ko.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomantikUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
