Chapter 18

21 5 0
                                        

Chapter 18

Kev's Pov

"Bilisan mo na! Malalate na tayo." Kahit Kailan  talaga si Tin—ang bagal kumilos!  

"Teka lang, Kevs!"  

"Bilisan mo na kasi, Tin! Ang bagal mo eh."  

"Ito na nga, eh! Wala pa nga sila."  

"Nasa gym na, tayo na lang ang hinihintay! Sino ba kasi katext mo?"  

"Si Roxanne, ginogood luck ko lang naman siya." Sabay hila ko kay Tin.  

"May nakahanda nang upuan para sa inyo!" sigaw ni George. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to—sigaw pa talaga! Napatingin tuloy sa amin ang mga tao sa gym. Umupo na nga kami.  

"Nasaan sila?" tanong ni Tin.  

"Nasa CR. Mga pasaway nga eh, ginawa pa akong tagabantay nila."  

"Bagay naman sa'yo, George," sabay tawa ni Emz.  

"Gago, George! Iniwan mo ko!" Natawa ako sa mukha ni Emz. Mukhang naiinis siya dahil iniwan siya ni George.  

"Aga mo," sabi ko kay Emz.  

"Pinapunta ako nang maaga."  

"Na-isahan ka ni Dolandz," sabi ko sa kanya.  

"Saan ba 'yon? Babatukan ko!"  

"Dolandz, oh! Babalikan ka raw ni George!" sabay pa nilang sinabi. Napalapit pala sila sa amin.  

"Loko kayo, ha! Lakasan niyo pa boses niyo!" Hindi man lang sila pinansin ni Doland. Sabay tawa ni George sa kanila.  

"Sino 'yong kasama niya?" tanong ko kay Tin.  

"Kasama sa role play ata. Naka-costume eh!" sagot ko sa kanya.  

"Si Jhun, Emz?" Napatingin ako kay Edz.  

"Hindi ko nga makontak. Si George tanungin niyo!" Napatingin ako sa kanila.  

"Hindi nga nagpaparamdam. Tawagan niyo na kaya?" sabi ni George.  

"Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanya—wala talaga!"  

"Text niyo na kasi," sabi ko sa dalawa. Subukan lang niyang lokohin si Roxanne—masasapak ko siya.  

"Kanina pa nga, Kevz! Ang kulit niyo, eh! Kayo na kaya mag-text?" Napatingin ako sa mukha ni Emz—nakasalubong ang dalawang kilay.  

"Baka naman nakalimutan niya. Lagot siya kay Roxanne. George, baka may alam kayo?" Napatingin si George kay Edz.  

"Hoy?" sabi ulit ni Edz.  

"Wala nga, Edz! Kulit mo naman!" sabay talikod nila sa amin.  

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Tin sa kanila.  

"Titingnan lang namin sa labas, baka andiyan si Jhun."  

"Magsisimula na. Ayan na ho! Nagsalita na si Pres. Siya pala ang host?"  

Napatingin ako sa sinabi ni Tin. May nagbubulungan sa likuran namin.  

"Guwapo na, mabait pa. Saan ka pa?"  

"Ang ganda ng boses! Ka-in love!"  

"Ang ingay niyo," saway ko sa mga girls.  

"Sorry po," sabi nila sa akin.  

"Ayan na, simula na!" sabay sigaw nila. Nabingi ako.  

"Good evening po sa inyong lahat! Ito na po ang pinakahihintay niyo—ang role play!"  

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon