Chapter 9

66 6 0
                                        

Chapter 9

Jhun's Pov

"‘Yong hinahanap niyo, ayun oh! Tawa nang tawa ho." Turo ko sa kanila. Tiningnan ko sila isa-isa—nakabusangot. Napatingin nga sila sa'kin. Nagkatinginan ang tatlo. Napailing-iling ako sa kanila. Natawa na lang. Mga babae nga naman.

"Sino kausap n'un?"

"Sino pa sa tingin mo, Edz? Si Emz lang naman," sagot ni George sa kanya. Aba, ang loko, napalapit sa amin! Matapos naming iwanan kanina, ngayon lang nagpakita.

"Lagi naman 'yan sip-sip kay Roxanne," sabay tawa ni George.

"Kayo ‘yung friends, pero madalas si Roxanne kasama niya." Hala sila—may selosan na nagaganap! Loko rin kasi si George. ‘Yung mukha ni Edz, hindi na mapinta.

"Nakakahurt nga. Papansin kasi si Emz," sabi ni Edz.

"Hoy! Si Edz, pansin na pansin si Emz!"

"Ewan ko sa'yo, George."

"Tara na nga, lapitan na natin," sabay hila ni George kay Edz.

"Teka lang, ‘wag kayong maingay!" sigaw ko sa kanila. May naisip ako. Tawang-tawa ako. Napatingin sila sa akin, naguguluhan.

"Hoy, Jhun, ano na naman binabalak mo?" Tinawanan ko lang si George. Natawa ako sa naiisip ko. Naglakad na ako, at napasunod sila sa akin.

"Sumunod na lang kayo."

"Aasarin mo na naman si Roxanne," sabi ni Jeniz. Napatingin ako sa kanya.

"Wala naman akong gagawin, gugulatin ko lang naman siya. Sige, mauna na ako sa inyo. Ang bagal niyo!" Binilisan ko ang lakad. Bahala sila sumunod sa akin.

Palapit na ako. Ito na ‘to. Natatawa ako sa gagawin ko.

1, 2, 3...

"Bulaga!"

Tawang-tawa ako. ‘Yung mukha ni Roxanne—gulat na gulat! Natawa ako lalo. Ginawa pa akong pusa! Sa gulat niya, napatalon siya kay Emz. Humarap siya sa akin, galit na galit.

"Ikaw na naman! Tawang-tawa ka pa riyan!"

"Nakakatawa ka kasi! Makatalon, wagas!" Inulit ko sinabi niya, sabay tawa.

"Hay, pusa!" sabay talon kay Emz. Tawa ako nang tawa. Napahinto ako sa katatawa at napatingin sila sa akin. Nakalapit na pala sila sa amin.

"Kasama niyo 'tong unggoy na 'to?" sabay turo ni Roxanne sa akin.

"Ano sabi mo, Roxanne? Unggoy siya?" sabay tawa ni George habang nakaharap sa'kin.

"Unggoy si Jhun," natawa rin si Emz.

"Kanina pusa, ngayon unggoy. Ano na naman susunod, Roxanne?"

"Gago ka, Emz! At least guwapo ‘yung unggoy, ‘di ba?"

"Mangarap ka."

"Teka, ano ‘to, Jhun? May M.U kayo ni Roxanne?" Napatingin si Roxanne kay George, halatang nagulat.

"Siya pala ‘yon, Roxanne? M.U mo?" sabay hampas ni Roxanne kay Emz bago napaharap sa akin.

"Tigilan mo na nga ako. Hindi ka na nakakatawa! Isa pa, lumapit ka sa akin, malilintikan ka talaga. Stalker ba kita? Kahit saan ako magpunta, lapit ka nang lapit!"

"Nakikipagkaibigan lang ako sa'yo."

"Teka, mga friends, alis muna kami ha! Nakakastorbo naman kami sa moment niyo," sabat ni George.

"Isa ka pa, George!"

"Saan kayo pupunta? Sabay-sabay pa kayo aalis," tawa kong sabi sa kanila. Ang sarap inisin ni Roxanne.

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon