Chapter 2

89 5 0
                                    

                 Chapter 2

Jhun's Pov

"Pare George kumusta school,"  sabi ko sa kanila. Napatingin sila sa akin seryoso. Problema mga 'to.

"Gago ka, limang araw ka na hindi pumapasok. Hanep ka rin. Ang lakas ah!"

"Gago Nakakainis nga hindi pa ako tapos sa requirement ko. Ang hirap magtransfer pala, pero bukas papasok na rin ako. Ang dayadaya niyo.
Akala ko ba sabay-sabay tayo papasok."  Tinawanan lang nila ako.

"Gago." Sabay hampas sa akin ng unan ni Emz.

"Tangina mo, Gusto mo mapagalitan kami ng teacher natin. Tangina sobra strikto ng prof. namin Idadamay mo pa kami sa kalokohan mo. Magbago ka na kasi gago ka." Hinagis ko rin sa kan'ya pabalik. Tangina Emz 'to nakakabadtrip naman loko 'to.

"Nagsalita 'yong magaling magood boy na 'to.Bukas pasok na ko," sabi ko sa kanila. 'Yong tingin nila sa akin hindi ko alam kung natatawa sila. Akala nila sa akin ipapahamak ko sila. Siraulo ako pero seryoso naman sa mag-aaral. Sino ba ayaw makagraduate.

"Pasosyal pa kasi rito rin pala." Tumawa ng malakas si George.

"Mabuhay ang gago natin kaibigan. " Sabay ampas ko kay  George. Kanina pa ito tatamaan na talaga sa akin. Ako na lang nakikita nila.

"Eto beer Jhun inom ka na lang." Sabay bigay ni Emz sa akin.

"Good boy 'to mga tol." Gago mga 'to ako napagtripan. Pinagtawanan pa ako.

"Gago mag-seryoso ka na kasi tingnan mo kami ni Emz good boy. " Napatingin ako kay George. Lakas makapagsabi good boy. Sa'min barkada sila pinakapasaway palibhasa bunso sa grupo. Ewan ko ba kung bakit naging kaklase namin sila.

"Mukha niyo goodboy kayo pero
tama kayo mga tol. Nahihiya na rin ako sa parent ko."

"Tangina, ikaw ba 'yan Jhun?" Lumapit si George akin nakaakbay habang tawang-tawa pa siya. Naiinis na ako sa kanila wala bang matino kausap ngayon.

"Uy, George nagmeet na ba kayo ng textmate mo?" Napalingon sa sigaw ni Ray.
Sa wakas andito na rin sila. Malapit ko na masasapak dalawa na 'to.

"Gago ka Ray hindi pa nga eh! Ang loko  umupo siya maayos. Muntik pa ako mahulog umusog kasi ang loko.

"Nagtataka lang ako kilala na raw niya ako." Napalapit si Emz sa kan'ya. Tsismoso talaga isang 'to. Mukha nakafocus na usapan kay George. May silbi rin pala paglapit ni Ray sa'min. Tumayo na lang ako. Wala ako mapapala sa mga katabi ko.

"Ibig sabihin nabuko ka na George." Sabay tawa ni Emz sa kan'ya. Natawa ako palihim. Nasa kan'ya ngayon ang topic.

"Paano 'yan pare George? Textmate pa rin kayo?"  Napatingin ako sa mukha ni George seryoso siya nakatingin kay Em. Ang loko kasi pinagtatawanan pa niya. Lakas din kasi makaalaska eh.

"Tangina, Oo naman Emz katext ko pa rin parang seryoso na ako sa kan'ya." Nabilaunan ako sa kinakain ko hotdog. Tangina seryoso siya. 'Yong mukha ng mga kaibigan ko pigil na pigil sa katatawa habang si Emz hindi nagpapaawat sa katatawa napatayo pa kasi.

"Booom tinamaan na si pare George." Tinawanan ko siya. Napatingin sa akin si George masama.

"Tangina  pakiulit nga si George magseseryoso. Nangyari sa'yo." Sabay pa kami nag-apir ni John. 'Yong mukha ni George para ewan napipikon na gago 'to. Hindi kasi ako makapaniwala magseseryoso gago 'to. Alam kasi namin lakas niya mag-asar sa mga babae. Torpe din isang 'to.

"Nang dahil sa textmate. Tinamaaan ang gago." Sabay sabi nila. Ako Naman napapahiling na lang. Nainlove kahit hindi pa niya nakilala. Paano kung matanda na 'yong katetxmate niya. Ang dami kaya nagsisinungaling. Kahit naman sino puwede magpanggap lalo na textmate lang.

"Tangina niyo," sigaw ni George sa'min. Tumawa na lang ako.

"Di ba George computer engineering kinuha niyo?" Napatingin ako kay John bigla na lang nagseryoso. Isang 'to may bago naman topic.

"Oo?" sabi ko ni George sa kan'ya.

"Classmate mo pala si Tin."

"Tanga! Malamang since high school pa magkaklase na kami. Anong isyu? 'Wag mo sabihin nagseselos ka sa'min ni Emz." Sabay tawa ni Emz sa sinabi ni George. 'Yong mukha ni John nakasalubong.

"Si Tin."  Pag-uulit ko sa kan'ya. Nakita ko lang siya isang beses ng hilahin ako ni Kevz. Gago rin kasi si Kevz. Tangina ang lakas pagkasapak sa'kin kaibigan niya. Ito naman si John hindi na pinakawalan si Tin. Inlove ang gago.

"Bakit wala kang tiwala kay Tin.'Wag kang mag-alala ako magbabantay sa kan'ya."

"Wag na baka asarin mo lang 'yon. Ando'n naman si Roxanne at Kevz ."

"Tama ka John aasarin lang niya 'yan tapos siraan ka pa niya." 

"Gago ka ka Emz anong akala mo sa akin. Goodboy kaya 'to." Tinawanan lang namin ni George si Emz.

"Papasok ka na bukas." Sabay tapik ni John. Tumango na lang ako.

"Bakit hindi mo kasama si Mike?" sabi ko sa kan'ya.

"Aba malay ko kay Mike si Ray tanungin mo. Kagagaling ko lang sa work. Dito na ako dumeretso." Nag-explain pa ang gago. Si Mike na lang kulang sa'min. Isang 'yon simula nagkaayos na sila ni Cherry. Aba! Kulang na lang hindi mag papakita sa'min kadahilan may date sila ni Cherry. Susunduin niya galing work. Ewan ko ba rito sa mga kaibigan ko, iba mainlove. Si Rod at Kc aba! Ito malupet hanggang ngayon sila pa rin tibay din relasyon nila. Si Ray naman tangina oras-oras kausap sa phone si Sarah. Si John naku hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago kahit na mag-asawa na sila ni Tin. Ang lakas din kasi mangbuwisit isang 'to. Kami na lang single nila Emz, George. Makahanap na nga ng may love na rin ako.

"Busy si Mike alam mo 'yon. Lumalove life ang gago." Napalingon ako sa lakas ng boses ni John.

"Ayon naman pala kasama mahal niya. Ikaw kailan ka magkakalove life?" Napatingin ako kay Emz. Ang lakas makapagsabi. Single rin naman siya.

"Wow ah! Ang lakas makatanong ah!  Bakit  may love ka ba?" sabi ko sa kany'a pabalik.

"Oo nga Jhun ang tagal muna walang lovelife." Seryoso tanong ni Ray. Bakit sa'kin naman  napunta usapan. Panira rin kasi Emz. Tapos na eh! Bumalik pa sa'kin.

"Hindi ko pa iniisip 'yan sa ngayon."

"'Wag kami Jhun." Sabay tawa ni Emz. Tumayo na lang ako tinalikuran ko sila. Walang mapapala kung mananatili pa ako rito. Kilala ako mga 'to hindi nila ako titigilan kapag manatili pa ako rito. Kailan ko na mag-exit.

"Saan ka na pupunta?" Napahilamos na lang ako. Hinarap ko si George.

"Uuwi na ko. Alam niyo na malilintikan naman ako sa  parent ko. Sige maiwan ko na kayo. Nagpapagood boy lang." Umalis na ako inwan ko na sila.

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon