Chapter 13
Jhun's Pov
"Good morning, Roxanne," bati ko sa kanya. Natawa ako nang makita ang mukha ni Roxanne—gulat na gulat.
"Anong ginagawa mo rito? May sa pusa ka ba? Hilig mong manggulat! Aatakin ako sa'yo!"
"Sinusundo kita."
"Anong sundo ang sinasabi mo? Kasama ko naman sila Kevs at Tin. Makakaalis ka na."
Napangiti lang ako at hinarap siya.
"Ite-text ko na sila na ako ang kasama mo." Sabay akbay ko sa kanya. Agad niyang tiningnan ako nang masama, nakasalubong ang dalawang kilay.
"Kailan pa kayo naging close?" mataray niyang tanong sa akin.
"Matagal na, Roxanne. Ikaw lang ang hindi nakakaalam. Tara na, baka malate pa tayo."
Hinila ko na siya papasok. Ang daldal talaga! Sumakay na ako sa kotse bago pa siya magbago ng isip—mahirap na, lalo na sa sungit nito. Agad kong pinaandar ang sasakyan. Nakatingin lang siya sa akin.
"Mga loko 'yon! Kaya pala hindi man lang nagre-reply sa akin," bulong niya sa sarili niya. Tumawa na lang ako at hinayaan siyang magsalita. Napatingin ako kay Roxanne, at nagkatinginan kaming dalawa. Bigla siyang napayuko.
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?" tanong ko habang nakaharap sa kanya.
"Puwede ba tayong maging magkaibigan?"
"Tuloy mo na lang 'yang pagda-drive mo. Baka kung saan pa 'yan mapunta."
"Pero puwede ba?"
Hala, 'yong tingin niya sa akin!
"Oo na, basta 'wag mo lang ako aasarin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko, susungitan na naman niya ako. Hindi ako makapaniwalang napapayag ko siya agad. Hindi man lang niya ako tinarayan.
"Sige, promise ko sa'yo, good boy na 'to."
"O, sige," sagot niya.
"Puwede magtanong?"
"Ano?" mahina niyang sagot.
"May boyfriend ka na ba?"
Bigla siyang napakunot-noo. Hala! Mali ata. Nagtanong pa ako sa kanya. Sana pala nanahimik na lang ako.
"Oh, teka lang! Bakit ganyan na naman mukha mo?" inunahan ko na siya. Baka mag-away na naman kami dito. Iba rin ang mood ng babaeng 'to.
"Nagtatanong lang ako. Wala namang masama doon, ha! Kung ayaw mong sagutin, okay lang naman."
"Bakit? Ikaw, may girlfriend ka ba?" Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso niya nang sabihin 'yon.
"Bakit interesado ka?" tawang-tawa ako. Napatingin ako sa kanya, nakakunot-noo siya.
"Dati, meron. Pero ayon, pinagpalit ako."
Bigla siyang napatingin sa akin.
"Ha? Bakit?"
"Ayaw ng parents niya sa akin."
"Ha? Bakit naman?"
"Ewan. Mas gusto siguro ng parents niya 'yung kakilala nila. Pinagpalit niya ako. Pinili niya sila. Masakit para sa akin 'yon. Mahal ko siya, pinaglaban ko siya, pero wala rin. Lagi niyang sinasabi na wala raw akong maaasahan sa kanya, puro raw ako barkada."
"Gano'n lang? Grabe naman siya. Ang babaw naman ng dahilan niya."
"Hindi ko naman siya masisi. Siguro nga, hindi talaga kami para sa isa't isa."
"Makakahanap ka rin sa tamang panahon. Kung iba ang tingin niya saiyo, hindi siya kawalan. Isa pa, bata ka pa naman."
Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso naman ni Roxanne. Hindi ko aakalain na makakausap ko siya nang ganito katagal—at seryoso pa. Tama nga ang sinabi ni George, mabait si Roxanne at makakasundo ko raw siya sa tamang panahon.
"Sana nga may forever. Pero alam mo, matagal na kitang crush."
Bigla siyang napatingin sa akin sa sinabi ko. Totoo naman ang sinasabi ko—matagal ko na siyang crush. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin ito sa kanya. Alam kong mabibigla siya, pero gusto ko lang iparamdam sa kanya na seryoso ako. Wala namang masama kung sabihin ko ito. Crush lang naman, 'di ba?
"Ako? Ngayon nga lang kita nakita."
Tumawa lang ako sa sinabi niya. Buti na lang at hindi siya nagalit. Mukhang magkaibigan na kami.
"Matagal na! Naalala mo 'yung lalaking nabangga mo?"
Naguluhan siya sa sinabi ko.
"Ako 'yon! Minsan, nasa computer shop ka, lagi mong kasama si Kevs. Matagal na namin silang kalaro sa 'Dota'. Tapos, noong pagpasok niyo, tamang-tama namang palabas ako, kaya nabangga kita. Grabe ang galit mo noon! Sinapak mo ako, eh! Hindi ko naman sinasadya!"
Bigla siyang natawa. Mukhang naalala niya ang sinasabi ko. Gago, ang lakas ng sapak niya noon, namaga pa nga eh! Pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan ko. Hindi ko masabi sa kanila na babae ang nakasapak sa akin. Kilala ko 'yung mga 'yon, hindi nila ako titigilan.
"Ikaw 'yon?! Eh kasi naman, tinawanan mo ako!"
"Hindi kaya! Tumawa lang ako kasi ikaw pa, babae, 'yung nakabangga ko! Kaya ayon, tinanong pa nga kita kay Kevs noon."
"Kaya pala lagi niya akong inaasar sa'yo!"
"Atsaka, parang ikaw na ang destiny ko."
"Bakit naman? Puro ka naman kalokohan."
"Hindi kaya! Ikaw pa nga 'yung naging partner ko sa abay nila John at Tin, naalala mo? Tapos, ayon, isang malaking sampal ang inabot ko sa'yo! Grabe ka, masyado kang magalaw—nanapak ka na lang bigla! Wala naman akong ginagawa sa'yo, nakakatakot ka kasama!"
"Humarang ka kasi! Si Tin 'yong sasampalin ko! Hindi ko kasalanan na ikaw ang nasaktan! Oy, relax lang! Siya 'yong nag-utos noon. Baka nanaginip ka lang. Pero bakit kasi nando'n ka?"
"Tinawag ako ni Kevs. Atsaka, pagkakataon ko na rin 'yon para makausap kita, kaya ako nasa harapan mo. Hindi ko naman kasi alam na gagawin mo 'yon."
"Sorry," mahina niyang sabi.
"Okay lang 'yon. Nakasama naman kita, kahit na napipilitan ka lang sa akin. Alam ko, gustong-gusto mo na akong sakalin." Sabay tawa ko.
Naalala ko kung paano ko siya kinulit noon. Sobra-sobra talaga! Hindi siya makaalis-alis kasi saan man siya pumunta, sinusundan ko siya. Gusto ko lang siyang asarin—iyon lang kasi ang paraan para makausap ko siya.
"Mukha namang mabait ka kausap," sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin. Seryoso siyang nakaharap sa akin.
"Andito na tayo." Iniba ko na lang ang usapan.
Bumaba na kami at sabay na pumasok. Napansin kong nagtinginan ang ilang babae sa amin. Nagkatinginan kami ni Roxanne bago may lumapit sa kanya.
"Miss Roxanne, kanina pa kita hinahanap," sabi ng babae sa mahinang boses.
"Bakit?" sagot ni Roxanne.
"May meeting tayo maghapon! Hindi ka ba nasabihan?"
Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Hay, oo nga pala. Nakalimutan ko. Sige, salamat."
Pagkaalis ng babae, humarap sa akin si Roxanne.
"May meeting kasi kami."
"Para saan?" Yon lang ang nasabi ko.
"May event. Pasensiya na ha! Sige, mauna ka na. Tuloy na ako, late na ako."
"Samahan kita."
Napalingon siya sa sinabi ko.
"Wag na! Malalate ka na rin. Sige na, salamat," sabi na lang niya bago siya umalis.
Napatingin na lang ako habang papalayo siya. Sayang, kung kailan okay na kami ni Roxanne, may sagabal pa. Napahiling na lang ako bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
