Chapter 17

43 5 0
                                    

Chapter 17

Roxanne's Pov

"Kanina pa ako sumisigaw sa’yo! Nagmamadali ka ba? Ang bilis mong maglakad." Napalingon ako—kilala ko ang boses na 'yon. Hinintay ko siyang makalapit sa akin.

"Kumusta?" Bigla ko siyang namiss.

"Ito, busy lagi. Ang dami kong gagawin." Natawa ako sa itsura ni Mhyco—ramdam ko ang pagod at stress sa kanya. Magkasama kami sa mga activity na gaganapin ngayong linggo. Tapos ako, may role play pa akong kailangang gawin.

"Balita ko, ikaw ang magho-host sa role play namin."

"Gago kasi si Lee. Ako pa talaga ang napili niya, tapos ang gago, pinagtawanan pa ako. Ang sarap din iuntog." Napatawa na lang ako kay Mhyco. Loko-loko rin kasi si Lee. Siya ang presidente namin, pero nauutusan siya ni Lee.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa gym," sagot niya.

"Same pala tayo, gym din ang punta ko."

"May gagawin ka ba mamayang hapon?" mahina niyang tanong sa akin.

"Wala naman. Bakit?"

"Tamang-tama, sabay na lang tayo mamaya. Namiss ko ‘yong tayong dalawa lang." Napatingin ako bigla kay Mhyco nang may naalala ako.

"May problema ba?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Ah, wala."

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin.

"Hoy! Grabe ka, excited lang!" Tinawanan niya lang ako.

"Natuwa lang ako. Tara na nga." Sabay akbay niya sa akin. Napasunod na lang ako sa kanya. Nagtawanan kami hanggang sa nakarating kami sa gym.

"Andito na tayo," sabi ko sa kanya. Tumango lang si Mhyco at lumapit sa mga kasama niya na nasa kabilang dulo.

"Kasama mo si Pres?" tanong agad sa akin ni Maj. Mga sira talaga ‘to. Natawa na lang ako sa dalawa—naisipan pa talaga nilang lumapit para makipagtsismis.

"Practice na tayo," sabi ko sa kanila.

"Naku, alam na natin ‘yan, Maj. Paulit-ulit na lang tayo, eh!"

"Doon ka magreklamo! Sumbong kita," sabi ni James kay Shain.

"Hindi kita kausap, James," mataray na sagot ni Shain.

"Sagutin mo na kasi, Shain, si James," natatawang sabi ni Bryan. Dahil sa inis, binato ni Shain si Bryan, pero nakailag ang loko. Ayon, ako ang tinamaan.

"Aray ko naman!" sabi ko kay Shain. Batuhin ba naman ako ng sapatos niya! Babae na 'to, masyadong walang pake sa sapatos niya—walang pakialam kung saan mapunta. Wala talagang kadala-dala! Tinago na nga sapatos niya dati, pero batuhin pa rin ba naman ang kaaway gamit ang parehong pares? Dahil nasaktan 'yong kaaway, ayon, gumanti—tinago rin sa kanya. Wala siyang nagawa, kaya nakapaa na lang siyang umuwi. Tapos ngayon, ako naman ang tinamaan niya.

"Ay, sorry, Roxanne." Napalapit si Shain sa akin. Natatawa na lang ako sa kanya dahil sa itsura niya.

"Sila kasi. Masakit ba?"

"Hay, hindi naman. Bato mo ba naman sa akin 'yan." Pang-aasar ko rin sa kanya.

"Ano ba 'yan. Tara na nga, practice na tayo," sabi ko sa kanila.

"Masakit ba?" sabay lapit ni Bryan sa akin. Isa pa 'to—lagi niyang inaasar si Shain. Ito namang isa, pikon.

"Ikaw kasi, inaasar mo. Natawa ka pa riyan. Practice na nga tayo, ha!" Tahimik silang nagpractice hanggang sa hindi namin namalayan ang oras—tanghali na pala.

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon