Chapter 4

68 7 0
                                    

Chapter 4

Roxanne's Pov 

"Anong ginagawa niyo diyan?" Napalingon kami sa boses ni Kevz. Nakatambay lang kami dito sa ilalim ng malaking puno.

"Nagulat naman ako sa'yo, Kevz. Akala ko nagdota ka."

"Hindi pa. Mukhang sikat 'yong bago nating classmate. Nando'n nga sa dota, nag-iingay."

"Ay, naku! 'Wag na nating pag-usapan 'yang lalaking 'yon."

"Kanina ka pa bad trip sa kanya."

"Sinabi mo pa, Kevz. Kanina ko pa 'yan napapansin. Kasi naman, kung sa amin ka tumabi, hindi mo sana siya mapapansin."

"Roxanne, bad trip ka sa ultimate crush mo," pang-aasar ni Kevz sa akin. Isa pa 'to! Anong ultimate crush sinasabi nito? Loko 'to, napagod na nga ako sa kakahanap sa kanya, tapos ngayon mang-aasar pa. Gano'n ba talaga kasikat 'yong lalaki na 'yon para pag-usapan?

"Ultimate crush ka riyan! Nakakainis siya."

"Imagine, nag-transfer pa siya rito para lang mapansin mo."

"Sino ba 'yang tinutukoy niyo?" sabay tingin ni Tin sa amin.

"Ewan ko sa'yo, hindi mo pa rin gets? Si Jhun! 'Yong lagi mong tinutukoy. Siya 'yong ultimate crush ni Roxanne."

"Paano mo naman nakilala 'yon?"

"Hindi ha! Gawa-gawa lang 'yan ni Kevz."

"Uy, crush ka naman nun! Maniwala ka, nandito nga ngayon."

"'Teka nga, paano mo siya nakilala?" pag-uulit ni Tin sa amin.

"Sa dota, Tin. Kasama ko si Roxanne, nagpasama ako sa kanya."

"Nando'n siya?"

"Ewan ko sa inyo."

"Roxanne, siya pala 'yon." Lakas maka-trip ng mga 'to. Pag nakita ko 'yang lalaki na 'yon, sasabunutan ko talaga!

"'Tigil na nga kayo! Baka may makarinig sa inyo at maniwalang totoo 'yan."

"Eh, bakit? Hindi ba?" Tawang-tawa si Kevz.

"Hindi ko nga siya crush! 1% lang."

"1% lang, Roxanne?" Nabingi kaming tatlo at sabay-sabay napalingon.

"1% crush mo siya?!" Napatingin ako kina Monz, Edz, at Jeniz. Grabe maka-react ang mga 'to. Ano naman kung 1% crush ko siya? Problema nila?!

"Jhurox loveteam!" sigaw ni Monz.

"Tigilan niyo na ako, puwede?"

"Jhurox, Jhurox, Jhurox!" sigaw nila ulit.

"Ewan ko sa inyo." Kinuha ko ang gamit ko sabay tayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Monz sa akin.

"Naghahanap ng kausap."

"Jhurox naman eh, gutom na kami," reklamo ni Monz. Napatingin ako sa kanya.

"Ewan ko sa inyo, bahala kayo magutom. Hindi ko hawak ang pagkain niyo." Sabay talikod ko sa kanila.

"Iniwan tayo Kevz," rinig kong sabi ni Tin.

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Doland.

"Roxanne, mag-isa ka ata," sabi niya.

"Naiinis ako sa kanila."

"Bakit naman?"

"Ah, basta."

"Inaasar ka na naman ni Kevz? Saan ka pupunta?"

Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon