Chapter 6
Roxanne's Pov
"Kuya Darrly, may load ka?"
Napatingin si Kuya Darrly sa'kin. Hindi ko gusto ang ngiti niya. Bakit ba lahat sila inaasar ako? Pati si Kuya Darrly! Dahil sa lalaking 'yon, hanggang ngayon, kumukulo pa rin ang ulo ko sa kanya. Ang yabang-yabang eh! Para akong sirang plaka—hindi makamove on. Paano naman kasi, confident ako sa sagot ko tapos sasabihin niya mali? Nakakabadtrip kaya! Pinaghirapan ko ‘yon, eh.
"Hoy! Natulala ka na riyan."
"Ah!" ‘Yon lang ang nasabi ko.
"Sabi ko, meron akong load."
Bigla na lang tumawa si Kuya Darrly. Nakakaloko talaga! Aasarin pa ako. Napabusangot ako at napaharap sa kanya. Lagi naman akong humihingi ng load sa kanya, pero ngayon lang ako nagawa nang personal. Madalas kasi, tine-text ko lang siya.
"Loadan mo ko. Pinagtatawanan mo lang ako."
"Bakit? May sinabi ba ako? Wala naman, ah!"
"Nakangiti ka kasi."
Pinagtawanan lang niya ulit ako.
"Ano ba, Kuya? Kaasar ka naman!"
"Niloadan na kita."
"Thank you, Kuya Darrly. Goodnight, Kuya," mahina kong sabi sa kanya.
"Goodnight din. ‘Wag kang magpupuyat, ha? ‘Wag masyadong ma-stress. Type ka lang nun, sis. Kung hindi ka niya titigilan, tawagan mo ako. Ako kakausap sa kanya. Usapang lalaki ‘yan, maturuan ko ng leksyon. Inaaway niya prinsesa ko."
"Kuya naman, eh! Ang lakas mo makaalaska." Sinimangutan ko lang siya.
"Oh siya, pasok ka na sa kuwarto mo. ‘Wag ka kasing pikon. Namumula na yang mukha mo, napapahalata ka tuloy. ‘Wag mo na lang siyang pansinin."
Tumango na lang ako. Namumula ba talaga?
"Sweet dreams, Kuya Darrly," sabi ko bago ako pumasok sa kuwarto.
Ang dami niyang sinabi. Humihingi lang naman ako ng load!
Pagkapasok ko, napaupo ako at napaisip. Ngayon lang may nag-text sa akin mula sa isang unknown number. Hindi naman ako pumapansin kapag hindi ko kilala ang nagte-text, pero ang kulit kasi—kanina pa ito. Wala ba siyang magawa? Ako talaga ang napagbalingan!
Sino kaya 'to? Kanina pa text nang text. Makapag-reply nga.
Message sent:
"Hu u po?"
Reply:
"Hi, Miss Beautiful! Akala ko tulog ka na."
Napakunot-noo ako. Buwisit! Maka-’Miss Beautiful’naman ‘to, parang close kami. Sino ba ‘to?
Reply:
"Hu u poh? Kilala ba kita?" sagot ko, mataray.
Reply:
"Miss Beautiful, nakalimutan mo na ba ako? ‘Yong kaklase mong guwapo at matalino!"
Sinasabi ko na nga ba! Buwisit na lalaki ‘to! Paano niya nakuha ang number ko? Ayaw niya talagang tantanan ako, ha? Bakit pa kasi naging kaklase ko ‘to? Sobrang yabang!
Reply:
"Hoy! Paano mo nakuha number ko? Puwede ba, ‘wag ka nang mag-text sa akin? Buwisit ka! Sinira mo araw ko ngayon!"
Feeling close pa siya! Alam naman niyang asar na asar ako sa kanya, nagawa pa niya akong tawagan!
Reply:
"Grabe naman ‘to! Sige na nga, sorry na. Friend na ba tayo?"
Ano daw? Friend?! Pinagsasasabi niya?
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomansaUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
