Chapter 14
Roxanne's Pov
Napagod ako sa katatakbo kaya napaupo ako bigla.
"Pasensiya na, nakalimutan ko," sabi ko sa kanila.
"Mag-uumpisa pa lang. Hoy, sino 'yong kasama mo kanina?" Napatingin ako kay Maj. Paano niya nalaman? Tsismosa pa naman 'to! Sigurado akong hindi niya ako titigilan.
"Ha?" sagot ko lang.
"Nakita ka namin ni Shain." Sabi ko na nga ba! Kung bakit kasi napalapit si Maj sa akin. Kilala ko 'to—kapag nagpapacute sa harapan ko, ibig sabihin may chika siya o may gusto siyang malaman sa akin.
"Kaklase ko lang siya." Sabay talikod ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako.
"Kaklase lang ba talaga? Baka naman boyfriend!" sabay tawa ni Shain. Isa pa 'tong nakikisawsaw! Napailing na lang ako sa dalawa.
"Wow! Grabe kayo, boyfriend agad? Porket magkasama lang?"
"Ano namang masama doon? Bagay naman kayo!" sagot ni Shain.
"Bagay agad?" sagot ko sa kanila.
"Doon nga kayo sa harapan tumingin. Makinig kayo, baka mapagalitan pa tayo. Nagkukwentuhan lang kayo diyan!"
"Hayaan mo na sila. Paulit-ulit lang naman 'yan," sabi ni Maj. "Buti sana kung andito si Pres. Nagugutom na ako."
"Ako rin! Ikaw, Shain?"
"Anong oras na ba?"
"11:30! Oh, ayan na, tapos na!" sabi ko sa kanila.
"Hay, salamat! Tara, canteen tayo!" sabay hila sa akin ni Maj. Wala naman akong naintindihan sa meeting dahil sa kadaldalan ng dalawang 'to. Napasunod na lang ako sa kanya.
Ngayon ko lang napansin—lahat kami puro babae. Wala kaming kasamang boys. Hindi ba sila nag-attend ng meeting? O hindi sinabihan kahit si Mhyco, ang SSG President namin?
"Saan tayo?" tanong ni Maj.
"Sa malapit lang," sagot ko sa kanila. Nakakatamad maglakad ng malayo.
"Padeliver na lang tayo ng pagkain," sabi ko.
"Malapit lang naman ang canteen ah!" kontra ni Maj.
Hindi na lang ako nagsalita. Ang kulit pa naman ng dalawang 'to—hindi nauubusan ng dahilan. Hahanap talaga ng butas para makitsismis lang sa akin. Napasunod na lang ako.
"Saan kayo pupunta, girls?"
Napalingon kaming tatlo. Napalapit sa amin si Miss Guavas.
"Sa canteen lang po, Miss Guavas," sagot ko agad. Inunahan ko na ang dalawa, baka kung ano pa masabi nila.
"Wag kayong magpapalate. May pag-uusap pa tayo mamaya."
Tumango na lang kaming tatlo.
"Ano ba kasi ang pinag-usapan nila kanina? Wala akong idea. Kahit magtanong ako sa mga kasama ko, halatang wala rin silang alam. Nakikipagdaldalan kasi!"
"Tara na!" sabay hila sa akin ni Shain.
"Ang dami kong o-orderin! Ramdam ko na 8PM na tayo makakauwi nito!"
Natawa ako sa sinabi ni Shain. Kahit kailan, pagkain lang talaga ang katapat niya. Pero hindi naman siya tumataba! Hinayaan ko silang umorder, pero sa huli, si Shain din ang nautusan namin ni Maj. Siya rin naman kasi ang maraming bibilhin. Hindi siya nagbibiro—kulang na lang hakutin niya lahat ng pagkain sa canteen!
Padabog siyang umalis kaya nagtawanan na lang kami ni Maj. Habang busy siya sa cellphone niya, ako naman ay napapatingin sa paligid. May ilan na nagde-date, may iba namang nagchichikahan lang, at may mga seryosong nag-aaral.
Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Napakunot-noo ako nang makita kong si Emz pala.
Bigla na lang sumigaw si Maj—kilig na kilig siya kay Emz!
"Akala ko absent ka."
"May meeting kami," sagot ko sa kanya.
"Mag-isa ka ata?"
"May practice kami." Tumango na lang ako. Natawa ako sa mukha ni Maj—kinilig talaga nang lantaran.
"Mauna na ako. Lumapit lang ako kasi napansin kita. Hinihintay na ako ng mga kasama ko." Tumango na lang ako. Umalis na si Emz, at napatingin ako habang papalabas siya.
Nagulat ako nang bigla na lang ibagsak ni Shain ang mga pinamili niya nang napakalakas. Buti na lang at hindi nahulog ang pagkain.
"Andiyan na 'yung order natin—burger at spaghetti lang ang in-order ko, Roxanne. Hindi ko kasi alam kung gusto mo nito."
"Ok lang, Shain," sagot ko na lang dahil nakasimangot ang mukha niya. Ano kayang nangyari sa taong 'to? Bigla na lang nag-iba ang mood niya.
"Alam mo, ang cute ni Emz! Crush ko siya. Alam mo ba, lumapit siya kanina?" Natawa ako sa reaksyon ni Shain—halatang-halata na crush niya si Emz.
"Seryoso ka? Nandito si Emz?"
"Oo! Tanong mo pa kay Roxanne. Alam mo ba, kinausap pa niya ako!"
"Talaga? Ang daya naman! Pero okay lang, nakita ko naman bahay niya."
Napatingin ako kay Shain. Stalker ba siya ni Emz?
"Weh, 'yong totoo? Paano mo nalaman?"
"Nakita ko lang siya sa Brgy. Paraiso. Sinama ako ng friend ko doon, tapos pauwi na ako nang makita ko siyang papasok sa isang bahay malapit sa bahay ng friend ko."
"Malay mo, friend niya 'yon tapos pinuntahan niya lang. Ganun lang 'yon."
"Baka nga, Maj."
Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawang 'to. Si Emz na naman ang topic nila. Mukhang crush na crush nila siya. Iba talaga pag-guwapo! Napailing na lang ako. Hindi nauubusan ng kuwento ang dalawang 'to.
"Pakibilisan niyo naman 'yang pagkain niyo. Ipaalala ko lang sa inyo, malalate na tayo! May meeting pa tayo mamayang 1PM," sabi ko sa kanila.
Tinawanan lang nila ako. Inubos ko na lang ang kinakain ko. Samantala, si Shain naman, 'yong iba sa in-order niya, nilagay pa sa bag niya. Ramdam ko na kakainin niya 'yon habang nasa meeting kami—pasimple pa! Ang lakas-lakas niyang kumain pero hindi naman tumataba. Saan niya kaya nilalagay 'yong kinakain niya?
Hinila ko na sila. Ayaw kong mapagalitan ni Miss Guavas. Sa sungit nun, lagot kami. Buti na lang at hindi kami na-late—tamang-tama lang ang dating namin.
Biglang tinawag ni Miss Guavas sina Shain at Maj. Palihim akong napangiti—'yong mukha nilang dalawa, hindi maipinta!
"Wow! Pagkaupo pa lang, may gagawin na agad tayo," pabulong na sabi ni Maj.
Nanahimik na lang ako. Ayoko madamay sa kanila—baka maisama pa nila ako! Kilala ko 'tong dalawang 'to. Napapatingin lang ako sa ginagawa nila.
"Ang hirap naman nito! Pagod na ako!" reklamo ni Maj.
Napatingin ako sa kanya. Kahit ako, ramdam ko na ang pagod!
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanila.
"6:30 PM na! Ang dami na nating nagupit. Puwede na ata tayong umuwi!" sagot ni Maj.
Tiningnan ko siya. "Ikaw na lang kaya magtanong, Shain."
"Ayoko! Baka mapagalitan pa ako. Si Roxanne na lang!"
Ano raw?! Dinadamay pa nila ako! May ginagawa rin ako ah!
"Ikaw na, Roxanne," sabay nilang sabi.
"Ayoko nga, Maj! Ako pa mapagalitan?" Nagturuan pa sila.
"Nakakatakot kaya si Miss Guavas!"
"Naririnig ko kayo!" biglang sabi ni Miss Guavas. "Sige na, guys. I-ligpit niyo na 'yan. Bukas na lang ulit."
Napatingin ako sa kanila.
"Hay, salamat! Pinauwi rin tayo," mahina at may halong ginhawang sabi ni Maj sa akin.
Pagkaalis ni Miss Guavas, napatingin ako kina Shain at Maj. Ramdam ko ang kaba nila tuwing kausap si Miss Guavas.
Mabait naman si Miss Guavas. Siguro ganoon lang talaga kapag tumatanda na.
Umalis na rin kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
