Chapter 8
Jhun's Pov
"Ito naman kasi si Jhun. Saan na naman kaya 'yon pumunta? Tinupak na naman! Kasalanan mo 'to! Buti nga, kusa sa amin pinahiram. Akin na 'yung assignment mo, pa-kopya na lang ako. Wala pa akong sagot. Gago ka kasi."
"Wala akong ginagawa sa kanya," sabi ko sa kanya.
"Mag-isip ka, siraulo ka kasi. Akin na nga 'yan." Sabay kuha niya sa bag ko. Gago, lalaki 'to, palusot pa! Tahimik na lang ako.
"Pa-kopya rin kami," sabat ni Kc. Napakunot-noo at napaharap si George sa kanila.
"Wala pa kayong assignment?" seryosong tanong ni George sa kanila.
"Wala, umalis kasi 'yong makokopyahan namin." Napatingin ako kay George—tawa siya nang tawa sa mga kaharap niya. Napapatingin din ako sa kanila, habang ang mga girls ay nakabusangot lang ang mukha.
"Gago, makapag-asar kayo kanina, ngayon mangongopya kayo. Lakas maka-alaska, ah!"
"Shut up. Mamaya, dumating pa mga kaklase natin. Ingay mo." Sabay tabi ni Edz sa kanya. Natatawa ako—kaya naman pala pinagtatawanan niya.
"Saan kaya nagpunta si Roxanne?"
"Hayaan mo na, Jeniz. Kasama siguro niya si Tin o kaya si Kev. Sila naman talaga, solid ang friendship ng tatlong 'yan. Alam mo, minsan nagseselos ako." Nilingon ko si Kc. Bakit siya magseselos? Kaibigan naman nila.
"Kasi parang close siya kay Kevs at Tin. Madalas niya silang kasama."
"Gano'n talaga 'yon si Roxanne, kahit sino gusto niyang kasama. Lalo na kapag bad trip," sabi ni George sa kanila. Mukhang kilala nila isa't isa, habang ako, nakikinig lang sa kanila.
"Si Tin at Kevs, classmates niya 'yan noong elementary pa. Magkakabata sila, kaya matagal na silang magkaibigan."
"Alam namin, George. Hindi mo na kailangang ipaliwanag," sabay pang sabi ng tatlo sa kanya.
"Mabait ba si Roxanne?" tanong ko sa kanila.
"Oo naman, Jhun. Minsan may pagka-loka-loka at maingay, pero mabait talaga siya," seryosong sagot ni Edz sa 'kin.
"Gusto ko siyang maging friend," sabi ko sa kanila.
"Friend o gusto mong diskartehan?" sabay tawa ni George sa akin.
"Oo nga, George! Kunwari ka pa, Jhun. Crush mo si Roxanne?" sabay tawa ni Edz.
"Oo! Secret lang natin 'to, ha?" sabi ko sa kanila.
"Talaga?" Napatalon sa tuwa sina Kc, Jeniz, at Edz.
"Gago, ang lilikot niyo!"
"Crush daw niya si Roxanne!"
"So, ano ngayon, Kc?"
"Ewan ko sa'yo, George. Tangengot ka kasi!"
"Bakit nga ba ang saya-saya niyo?" tanong ni George sa kanila.
"Kasi po, magkaka-love life na si Roxanne!" sabay pa 'yong tatlo. Nabingi ako sa sigaw nila.
"Lagot kayo! Isusumbong ko kayo kay Roxanne!"
"Isumbong mo," sabi ni Jeniz.
"Ang alam ko, may crush 'yan si Roxanne sa ECE."
"Weh? Paano mo naman nasabi?"
"Secret na lang, Edz. Sa amin na lang 'yon—nila Dolandz, Tin, at Kevs. Ano? Hindi kayo makapagsalita?" sabay tawa ni George.
"Totoo ba 'yang sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomansaUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
