Chapter 5
Jhun’s Pov
Kanina pa kami naghihintay, ang espesyal pa talaga ng lalaking ‘to. Nagugutom na ako.
(Tumawag kay John)
"Papunta na ako riyan," sagot niya.
"Bilisan mo! Kanina ka pa namin hinihintay!" sigaw ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.
"Ano sabi?" tanong ni Emz.
"Parating na raw siya, kasama niya sila Cherry."
Napatingin sa akin si Mike. Itong lalaking ‘to, marinig lang ang pangalan ni Cherry, agad na lumapit. Gano’n talaga siguro kapag in love. Napatawa na lang ako.
"Kumusta school mo, pare Jhun?" tanong ni Mike sa akin.
"Ayun, okay lang, Mike. Mukhang may kaasaran ako. Ang sungit ng kaklase namin."
"Maganda ba?"
"Maganda, Ray, kung sa maganda. Kaya lang parang tigre. Mukhang laging bad trip sa akin, hindi ako pinapansin."
"Talaga? Hindi ka papansinin?"
Napalingon kami nang lumapit sa akin si John at biglang umakbay.
"Alam mo bang asar na asar sa’yo si Roxanne?"
"Si Roxanne?" inulit ni Emz, sabay tingin sa akin. Napatingin din ako sa kanya. Bakit parang may nangyari kay Emz nang marinig niya ang pangalan ni Roxanne? Bigla siyang napakunot-noo.
Tumingin ako sa iba. Ang itsura nila, hindi maipinta.
"Kilala niyo si Roxanne?" tanong ko.
"Oo, kapatid ni Darrly. Ayon, nagsumbong sa kuya niya. Bad trip kanina pagpunta sa office. Ang yabang mo raw. Sinabihan mo kasi na mali 'yong ginawa niya sa Math."
"Ginawa mo ‘yon talaga sa kanya?"
"Nakakagulat ka, Emz! Sumigaw ka talaga, katabi mo lang ako!"
"Alam mo bang pambato ‘yon sa Math sa amin? Bakit mo ginawa ‘yon?"
Napatingin ako kay Emz. Grabe naman makareact, parang nagulat na gulat.
"Eh, niloloko ko lang naman, Emz."
"Teka nga, Emz, bakit di mo alam?"
Napatingin si Emz kay George. Ano na naman ang nagawa ni George sa kanya? Sabay inagisan niya ito ng balat ng saging na kinakain niya.
"Hay naku, John! Nanggigigil ako!"
Sabay hagis ulit ni Emz ng balat ng saging kay George.
"Ito kasi si George, ang pinaghintay ako. Late tuloy ako! Kaya hindi na ako tumuloy. Tapos nauna na pala siyang pumasok!"
Tawang-tawa si George. Ang mukha ni Emz, bad trip na bad trip na sa kanya.
"Ayan kasi, online game pa!" pang-aasar pa ni George kay Emz.
"Gago ka!"
"Gago! 'Wag mo akong sisihin!" sabay hagis din ng balat ng saging ni George sa kanya.
"Teka, ano bang sabi ni Roxanne?" Napatingin ako kay John, hinihintay ang sagot niya.
"Unggoy daw, Emz," sabay tawa ni John sa akin.
"Wow! Nice name," natatawa kong sagot. Tinawanan nila ako.
"Jhun naman, si Roxanne pa talaga sinabihan mo. Matalino 'yon, ano ka ba? Kilala namin siya ni Emz. Magkaklase kami hanggang high school. Pambato talaga namin 'yan."
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
