Chapter 15
Roxanne's Pov
"Tara na, Roxanne," nilingon ko si Shain.
"Dito na lang ako, Shain," mahina kong sabi.
"Wala ka kasing kasama, oh!" Natawa ako sa itsura ni Maj. Ba't ba ang kulit nila?
"May mga tao pa namang nakaabang, atsaka iba ang daanan niyo," sagot ko sa kanila.
"Sige, ingat ka ah! Medyo madilim na."
"Ok, ingat din kayo."
Kanina pa ako nakatayo, pero wala man lang dumadaang sasakyan. Wala na ring ibang estudyante. Lagot na ako nito. Lobat pa ako. Maglakad-lakad muna ako, baka sakaling may makakita akong sasakyan.
"Miss… Miss… Miss."
Kinakabahan ako. May tumatawag sa akin. Paano na 'to? Nakaramdam ako ng takot, lalo na’t wala pa akong nakikitang tao. Tanging nasa isip ko ang tumakbo. Nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, hindi ko man lang siya tinignan at agad ko siyang hinampas.
Napahawak siya sa braso niya. "Aray ko naman!"
Dahan-dahan akong tumingin at nakita kong isang teenager lang pala na nagtitinda ng balut.
"Sorry, manong! Akala ko kasi kung sino. Sorry po, sorry po talaga!"
"Pasensiya na rin. Itatanong ko lang kung sa’yo ba 'to? Napulot ko kasi itong wallet." Sabay abot niya sa akin.
"Ay, hindi po sa akin, manong," sagot ko.
"Ah, gano'n ba? Kanino kaya 'to?"
"Akin po 'yan."
Sabay kaming napalingon sa likuran namin. Nagulat ako nang makita siya.
"Sa’yo 'to?" tanong ni manong.
"Oo po, manong! Sinadya ko talaga 'yan."
Tawang-tawa si Jhun habang nakatingin sa akin. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to! Ipapahamak pa ako.
"Manong, pasensiya na sa kasama ko. Grabe ka, sinaktan mo si manong!"
"Malay ko ba? Akala ko kasi loko-loko! Manong, sorry talaga."
"Bilhin mo na lang kaya 'yan. Ikaw may kasalanan." Napalingon sa akin si Jhun.
"Sige ba! Magkano po?"
Wow, bibilhin talaga niya. Mauubos kaya niya 'yan?
"Talaga? Bibilhin mo? Salamat, ha!"
"Tama lang 'yan, manong. Dinamay ka pa sa kalokohan. Oh, kainin mo 'yan." Sabay abot ko sa kanya. Natawa ako sa itsura ni Jhun. Wala siyang nagawa—binili niya ang tinda ni manong.
"Salamat ng marami! Sige, alis na ako."
Napatingin ako kay manong. "Teka, manong. Sa’yo na po ito. Mauubos ba 'yan namin?"
Napatingin ako kay Jhun habang natatawa. Kumuha lang siya ng anim—tig-tatlo kami. ‘Yong iba, binalik niya kay manong pero binayaran pa rin niya.
"Ingat po, manong!" sigaw ko.
Napalingon ako kay Jhun. Busy siya sa kinakain niya.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko.
Napatingin siya sa akin. "Hinihintay ka."
"Bakit naman?"
"Di ba may usapan tayo? Kakain tayo sa labas."
"Anong?! Wala akong matandaan! Sinabi ko ba 'yon?"

BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...