Chapter 10
Harold's Pov
"Saan tayo gagawa ng project natin?"
"Sa bahay na lang ni Emz," sabi ko sa kanila. Lahat sila napatingin sa'kin.
"Tama, sa bahay na lang ni Emz."
"Sabay malapit lang naman sa inyo, Kevz, 'di ba?" tanong ni Tin. Napatingin si Kevz sa amin.
"Sabagay nga, Tin. Sige, doon na lang tayo."
"Sila Mon at Roxanne, nasaan na ba?" Sila na lang kasi ang wala sa grupo namin. Kanina pa kami rito naghihintay sa labas.
"May dinaanan lang sila," sagot ni Tin sa amin.
"Kanina pa! Gutom na kaya ako," reklamo ko.
"Kahit kailan ka talaga, Harold, puro reklamo," sabi ni Kevz.
"Eh, ang tagal naman kasi nila. Buti pa, tawagan niyo na lang at sabihin niyong diretso na lang sila sa bahay ni Emz."
"Gago, makautos lang, Harold."
"Huwag niyong sabihin maghihintay pa tayo rito sa park. Tawagan niyo na kasi!"
"Gago naman 'to. Ito na ho, Sir Harold!" Natawa ako kay Kevz.
Calling Roxanne...
"Oh, ano na?" tanong ko sa kanila. Nakatingin sila sa akin nang masama. Tinawanan ko lang sila.
"Hindi naman sinasagot ni Roxanne."
"Si Mon na lang kaya?"
"Gago mo, text ko na lang sila. Ito, oh, basahin mo. Gago, isa pang utos, malilintikan ka na, gago ka," sabay abot sa akin ni Kevz ng phone niya.
Messages:
@ Kevz- "Rox, Mon, punta na lang kayo sa bahay ni Emz. Papunta na kami doon."
"Ayan sila, oh! Speaking!" Napalingon kami sa sigaw ni Tin.
"Teka, si Mhyco ba 'yon?" tanong ni Tin sa amin.
"Saan?"
"Mali naman kasi tinitingnan mo," sabay turo ni Tin sa kabilang kanto. Magkasama sina Mhyco at Roxanne.
"Si Mhyco nga! Bakit kasama ni Roxanne?"
"Ewan ko, tanong mo, Kevz," sagot ko habang napatingin sa kanila.
"Anong oras na? Ang tagal niyo," sabi ko pagkarating nila. Usapan 9 AM magkikita, tapos anong oras na? 11:30 AM na!
"Ang tagal niyo naman," sabay batok sa akin ni Monz.
"Tara na nga!" yaya ko sa kanila.
"Saan ba tayo?" tanong ni Monz.
"Sa bahay na lang ni Emz, Monz," sagot ni Kevz sa kanya.
"Sa bahay ni Emz?!" sigaw talaga ni Roxanne. Nabingi ako doon, ah.
"Tara na para makatapos tayo agad," sabay hila ko sa kanya.
"Oh, pare, ngayon lang kita nakita, ha?" sabay akbay ni Kevz kay Mhyco.
"Busy kasi ako, Kevz. Alam mo na, daming ginagawa sa school."
"Buti nakagala ka," sabi ko sa kanya.
"Buti na nga lang, naisipan kong pumunta sa park. Nakita ko dumaan si Roxanne."
"Sa bahay ni Emz ba punta niyo, Roxanne?" Napalingon si Roxanne kay Mhyco.
"Oo, may gagawin kasi kami," sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#4-Ultimate Crush(Jhun and Rox)
RomanceUltimate barkada series Series #4-ultimate crush(jhun and roxanne Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and sarah Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Ser...
