Chapter 46: Hailey

28K 460 52
                                    


"Yana, look, I can explain..." sabi ni Craig pero hindi napansin ni Yana na may sinabi pala ito sa kanya..


Natulala si Yana nang makita nya si Craig. She was really surprised seeing Craig inside the room. Nakatingin lang sila sa isa't isa.


"Dr. Daniels?" buti na lang at tinawag sya ni Dr. Brooks nang makabalik sya sa katinuan.


"Tita Yana, Dad's here!" masayang sinabi ni Ellie habang papalapit sya kay Hailey..


"Yeah, that's great... but I will check Mum first ok?" sabi ni Yana at tumabi na kay Dr. Brooks at sa nurse na kasama nila.


Tiningnan pareho ni Yana at ni Dr. Brooks si Hailey, kung ano resulta nang mga medical test nya. Kung may nararamdamang sakit pa sa Hailey sa katawan...


"Ahm, Hailey, can we talk to you privately?" tanong ni Dr. Brooks... tumango naman si Hailey. So lumabas muna lahat nang bisita ni Hailey kasama na sina Ellie at Craig.


nakalabas na ang lahat nang bisita at ang natira ay si Hailey, 2 doctor at 1 nurse. Napatingin naman saglit si Yana sa side table na malapit sa kanila at may nakitang 2 bouquet nang flowers, at nakita naman sya ni Hailey...


" 1 is for you, Craig brought it..." sabi ni Hailey... Hindi naman nagsalita si Yana...


"Hailey, we wanted to talk to you in private because it is about your health. You're fighting a very big fight here, and I salute you... We are thinking ways to make you better... Dr. Daniels what are you recommending in terms of her cardiomyopathy?" tanong ni Dr. Brooks...


"Hailey, you know that you have a Dilated Cardiomyopathy and the only treatment for this is medication and  surgery putting a device in... but my concern is if your body can make it through surgery..." sabi ni Yana...


Ipinaliwanag pa nang mabuti nina Yana at Dr. Brooks kung ano ang mga pwedeng mangyari sa iba't ibang sitwasyon. Pero habang nag papaliwanag pa si Yana ay nag ring ang OB phone nya at narinig din nya ang pag page nang pangalan nya...


[paging Dr. Daniels, Dr. Daniels please proceed to NICU please. Code Pink (cardio-respiratory arrest neonatal)] 


Agad namang napatayo si Yana at tumingin kay Dr. Brooks. Nakita naman nya ang tumango si Dr. Brooks para sabihin na sya na ang bahala kay Hailey, dahil may matagal nyang naging pasyente ito. Nagmadali syang lumabas nang kwarto, hindi na nya napansin si Craig na naghihintay sa labas. Sinalubong na din kasi sya nang ibang nurse.


After an intense 1 1/2 hours, Yana finally got out of the NICU. They sucessfully sa saved the patient. Pagod na si Yana dahil toxic sya buong araw. Dumiretso muna sya sa locker para magpalit nang damit. She checked her personal phone knowing that it was dead. Dead bat na pala ang phone nya, hindi na nya napansin dahil sa kabusihan nya.


Umupo muna si Yana sa may sofa para mag charge nang ilang sandali. When she opened her phone, it just keep on beeping, maraming messages ang sunod sunod na dumating. Pag tingin nya ay messages mula kay Levi at ang karamihan ay kay Craig.

Instant! Mr and Mrs (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon