UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 3SAMANTHA'S POV
Kakatapos ko lang mag-ayos dahil may pupuntahan akong event na gaganapin sa ballroom ng Solaire. Isasama ko sana si Andrei kaso busy siya ngayon kaya ako nalang ang pupunta sa exhibit ng friend namin.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive papuntang Solaire. Ilang sandali pa ay nagring ang phone ko.
Pinindot ko yung button sa manibela para magactivate yung loudspeaker."Hi babe. Napatawag ka?"
"Syempre I just want to check kung nasaan ka na, nakalimutan mo yata akong itext bago ka umalis." Nahalata niyang nasa kotse na ako at bumabyahe.
"Oops. I'm sorry. Nagmamadali kasi akong umalis, you know I hate being late."
Pero ang totoo nagtatampo ako kasi palagi nalang siyang busy these past weeks. Ilang dinner party na din ang napuntahan ko na hindi siya kasama.
"Hmmm. Talaga ba?" tanong niya.
"Yes babe." Tipid kong sagot at naghahanap ng lambing.
"I love you babe."
"Love you too."
"Suus. Nagtatampo ang babe ko. Sorry na. Promise babawi ako sayo. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko, okay?"
"Alright."
Sana babe hindi lang hanggang salita, sana may gawa din kasi namimiss na talaga kita. I know busy ka lang at naiintindihan ko yun, sana lang isingit mo manlang ako sa busy schedule mo.
"Babe. Sorry na po please?"
"Hmmm. Okay. Sige na. Apology accepted "
"Yes. Thanks babe. I love you so much. Magiingat ka sa pagdadrive mo. Muah."
"I love you more babe. Thank you."
Never ko namang natiis si Andrei.
Oo tulad ng ibang nasa isang relasyon ay nagkakaroon kami ng tampuhan pero sa huli ay yung pagmamahalan pa din namin sa isa't isa ang nananaig.Nandito na ako ngayon sa Solaire at papunta na ako sa ballroom.
"Good evening ma'am."
"Good evening." bati ko sa attendant at iniabot ko ang invitation.
"This way ma'am Samantha."
Iginayak niya ako sa ballroom.
Pagbukas ng pinto ay marami ng tao pero hindi ko makita ang mga muka nila dahil medyo madilim.Ilang sandali pa ay bumukas ang spot light at nakatutok ito sa mga larawan. Picture frame na may stand na tama lang ang taas para makita ng maayos ang mga larawan.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)
RomanceKung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung in...