UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 13DAVE'S POV
Kinabukasan ay pinadalan ko si Coleen ng sunflower at nilagyan ko ito ng note na,
I love you, Coleen.
Excited na akong makita siyang muli, na kung pwede lang sana ay gusto ko na araw-araw siyang makita at makasama.
SAMANTHA'S POV
Nandito na ako sa office at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako ina-update ni Andrei kaya hindi ko rin siya tinetext.
"Good morning ma'am Samantha."
"Good morning din ms. Grace."
"May nagpapabigay po ma'am."
Iniabot sa akin ni ms. Grace ang boquet ng sunflower. Nagtataka na talaga ako kung kanino ba ito galing kaya binuksan ko agad ang card at may note ito,
I love you, Coleen.
Now I know kung kanino nanggagaling ang mga sunflower.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko at may nareceive akong text from an unknown number."Good morning, beautiful."
Hindi ko ito nireplyan at makalipas ang limang minuto ay nagtext itong muli,
"Ang suplada naman."
Nireplyan ko ito ng,
"Who's this?"
Kahit na pakiramdam ko ay si Dave ito."Someone who loves you so much."
Ang korni pero napangiti ako. Nireplyan ko ulit siya ng,
"Andrei?"
Syempre ayokong mag-assume agad na si Dave siya, baka kasi si Andrei ang nagtetext at malagot pa ako kung itetext ko ito ng "Dave?".
Nakalipas ang mga minuto at pasulyap-sulyap ako sa phone ko pero hindi na ulit nagreply yung nagtetext kanina.
Nagsimula na ako sa trabaho nang muling tumunog ang phone ko.
"Good morning, babe. I love you so much."
Nagtext si Andrei pero hindi ko siya nireplyan at ilang sandali pa ay tumatawag na siya. Inend call ko ito at tinext ko siya ng,"Nandito ako sa meeting."
Kasi ayoko siyang makausap."Okay, I miss you :("
ANDREI'S POV
Tinapos ko agad ang trabaho ko para masundo ko si Samantha. Gusto ko kasing bumawi kay babe dahil palagi na lang akong busy sa trabaho. Pinagtakeout ko siya ng pizza at dark mocha frappe. Nakakatuwa dahil parehas sila ni mommy na mahilig sa pizza, mahilig silang kumain pero hindi naman sila tabain. Dalawa na kami ni Cassie na anak ni mommy pero ang sexy pa din niya at madalas ay napapagkamalan na kapatid lang namin siya.
Pagdating ko sa floor kung nasaan ang office ni babe ay nakasalubong ko si ms. Grace, yung secretary niya.
"Good afternoon sir Andrei."
"Good afternoon, where's Sam?"
Tanong ko."Kanina pa po siya umalis sir e."
"Ganon ba? Osige I'll call her na lang. Thank you."
Sinubukan kong tawagan si Sam pero unattended naman yung phone niya, nasaan na kaya siya?
Dumaan ako sa condo na tinutuluyan niya pero wala pa yung kotse niya sa parking niya kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang sa bahay.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)
RomanceKung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung in...