CHAPTER 7

11.9K 226 5
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 7







SAMANTHA'S POV

Lunch time na kaya pinaserve ko nalang ang pagkain dito sa veranda para hindi na ako maglakad papunta sa dining area at para hindi ko na rin makita yung bwisit na lalake.

"Good afternoon, miss."

Kung minamalas nga naman ay magkatabi pa pala kami ng villa na tinutuluyan.

Hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong kumain. Habang nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ay nagsalita na naman siya,

"Ang ganda dito noh? Sulit ang pagod ko sa byahe."

Dahil kanina pa ako naiinis sakanya ay sinagot ko siya,

"Will you please stop talking to me?"
Napatingin ako sakanya ng masama.

Inalis niya ang headset niya at tumingin sa akin, "You're saying?"

Omg! May kausap pala siya.

"Sige mom, I have to go. Ingat kayo ni dad jan ha? I love you."
Sambit niya sa kausap niya. At muling humarap sa akin.

"Ano ulit yung sabi mo, miss?" Tanong niya.

"Wala akong sinabi."
At nagpatuloy ako sa pagkain.

"Okay magkukunwari na lang ako na wala akong narinig."

Hindi ko na ulit siya pinansin at tinapos ko na ang pagkain ko.

"Ang lakas mo pa lang kumain, hindi halata kasi hindi ka naman mataba."

Pati ba naman ang pagkain ko ay napansin pa niya? Kapag ba maganda at sexy hindi pwedeng kumain ng marami? At hindi ba pwedeng depressed lang ako kaya marami akong nakain? Kairita talaga ang isang to.

Pumasok ako sa villa at pumunta sa banyo upang makapagtoothbrush. Matapos magtoothbrush ay lumabas ulit ako at naglakad papuntang pool area. Pumikit ako at huminga ng malalim. Hmmmmmm. Aaaaahhh.

"Baka mahulog ka jan."

Bigla akong napaharap sa tao sa likod ko dahil sa pagkagulat ko. Dahil dito ay na-out-of-balance ako. Napapikit akong muli dahil alam kong mahuhulog na ako sa pool nang mahawakan ako ni Dave sa kaliwang kamay at hinawakan niya ang likod ko. Nagtama ang mga mata namin, bakas sa mga mata niya ang pagkagulat at pag-aalala. Magkalapit ang mga muka namin at tila slow motion ang lahat. Dahan-dahan niya akong itinayo at tinanong,

"Okay ka lang ba, miss?"

Napatango lang ako, hindi ako makapagsalita dahil naiilang ako. Huminga ulit ako ng malalim,

"I have to go."

Tumalikod na ako at naglakad pabalik ng kwarto.

DAVE'S POV

I find it weird pero ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang magkatinginan kami habang magkalapit ang mga muka namin. I was able to touch her soft skin and smell her fresh breath. I think I'm starting to like her.

Dahil ayaw niyang sabihin ang pangalan niya ay pumunta ako sa front desk upang tanungin ito pero tumanggi silang magbigay ng impormasyon tungkol sakanya. Kailangan kong malaman ang buong pangalan niya at kung saan siya nakatira. Gusto ko pa siyang mas makilala.

Humingi ako ng pabor sa staff at nagpabili ako ng isang boquet ng Calla lily.

After an hour ay pinuntahan ako ng staff sa villa ko para iabot ang isang boquet ng Calla Lily. Ngumiti ako at nagpasalamat ako sakanya.

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon