CHAPTER 20

10K 162 23
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 20









SAMANTHA'S POV

"Pagbalik ko dapat wala ka na dito sa bahay!!!"

Ang sakit, sobrang sakit at hindi ako makahinga o makakilos ng maayos.

Bakit parang sa'kin lamang may galit
Ang madayang tadhanang 'di namamansin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Nakahanda ang puso
Kahit pa ako ay masaktan

Kung sino man para sa'kin
Hindi ko sasayangin
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Pumasok ako sa walk in closet at kinuha ko ang mga maleta ko. Nilagay ko dito ang mga gamit ko at kahit labag sa kalooban ko ay kailangan ko nang lisanin ang bahay na ito.

Isinakay ko ang mga gamit ko sa kotse at sumakay na rin ako. Pinindot ko ang button ng gate at nang magbukas ito ay inilabas ko na ang kotse at muli itong sinara.

Bago patakbuhin ang sasakyan ay muli akong lumingon sa tahanan namin ni Andrei, sa tahanan kung saan namin binuo ang aming pangarap na magkaroon ng isang masaya at malaking pamilya.

"Patawad Andrei."
Muling bumuhos ang luha ko.

"Thank you po."
Sambit ko sa building attendant na tumulong sa akin na mag-akyat ng gamit ko dito sa unit.

Sobrang bigat pa rin ng loob ko at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Na ang saya namin ni Andrei at naglalambingan pa kami kanina nang bigla nalang siyang nagalit dahil nalaman niya ang namamagitan sa amin ni Dave.

Nahiga ako sa kama at niyakap ko ang unan ko, tanging si Andrei ang iniisip ko sa mga oras na ito.

Kung nasaan na siya..
Kung okay lang ba siya ngayon..
At kung galit pa rin ba siya sa akin..

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sikat ng araw. Nararamdaman ko pa rin ang sakit na nararamdaman ko kagabi. Hindi ito nabawasan ngunit lalo pang nadagdagan.

Ang bigat ng bawat paghinga ko at yung sakit na nadarama ko ay tila tumatagos hanggang buto.

Sana mapatawad mo na ako Andrei..
Sana magkaayos na tayo ulit..

Bumangon ako at nagshower upang mabawasan ang bigat na nadarama ko ngunit sa pagbuhos ng tubig mula sa shower ay muli ring bumuhos ang mga luha ko.

Matapos maligo ay nagsuot ako ng bathrobe, pumunta ako sa kitchen at uminom ng isang basong tubig.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Pagbalik ko sa bedroom ay napansin kong may maliit na awang ang drawer sa tabi ng kama ko.

Binuksan ko ito at nagulat ako dahil maraming letter dito sa drawer.

Naalala ko tuloy noong sa mansyon nila daddy pa ako nakatira. Sa tuwing uuwi ako galing school ay may makikita akong love letter sa drawer ko na galing kay Andrei.

Napangiti ako ng mapakla at muling tumulo ang luha ko.

Bakit ganito ang sinapit naming dalawa?

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon