CHAPTER 9

12.2K 209 11
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 9









DAVE'S POV

Hello.

My name is Dave Allen Martinez, only son of Patrice Martinez and Paulo Martinez. Andrei's second cousin and childhood best friend.

Bago ako makipagkita sa best friend at sa relatives ko ay napagdesisyunan kong mag-unwind muna kaya nagpahatid ako sa isang private resort sa Batangas kung saan ko nakilala ang babaeng muling nagpatibok ng puso ko, si Coleen.

**FLASHBACK**

"I love you, Coleen." Ito ang mga salitang binitiwan ko matapos kong halikan si Coleen sa kaniyang noo hanggang sa makatulog ito. Dahil sa pagod ay hindi ko na rin napigilan ang antok. Ang saya ko dahil magkatabi kaming matutulog ni Coleen kaya niyakap ko siya at kinumutan at hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Paggising sa umaga ay sobrang saya ko habang inaalala ang nangyari kagabi. Kung gaano katindi ang sensasyong nararamdaman namin at kung paano naming narating ang sukdulan.

Bumangon na ako para maipahanda ang breakfast namin ni Coleen. Pagkaangat ko ng kumot ay wala si Coleen sa tabi ko, bagkus isa lamang itong unan na kinumutan. Tumingin ako sa paligid at nakita kong bukas ang closet kaya sinilip ko ito at wala ang mga gamit ni Coleen.

Iniwan na ba niya ako?

Nagmadali akong lumabas at pumunta ako sa parking area pero wala na ang sasakyan niya.

Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?

Pumunta ako sa front desk at tinanong kung akong oras nag-check out si Coleen at napag-alaman kong 12midnight pa lang ay umalis na siya dito sa resort. Bumalik ako sa villa niya na may panlulumo at hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo nito.

Guess it's true, I'm not good at a one-night stand
But I still need love 'cause I'm just a man
These nights never seem to go a plan
I don't want you to leave, will you hold my hand?

Oh won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me.

Isa lang palang nakaw na sandali ang mga nangyari sa amin ni Coleen. Ang buong akala ko ay mamahalin niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sakaniya.

Nagstay pa ako ng tatlong araw sa resort dahil umaasa ako na babalikan ako ni Coleen, na marerealize niya na may nararamdaman rin siya para sa akin, na hindi na niya itutuloy ang pagpapakasal sa manloloko niyang fiancé at sasama na siya sa akin, pero hindi naman siya bumalik.

**END OF FLASHBACK**

Nagbabyahe na ako papunta sa mansyon nila Andrei.

Excited na akong makitang muli ang bestfriend ko na ilang taon ko nang hindi nakikita. Excited na rin akong ikwento sakanya ang tungkol sa babaeng muling nagpatibok ng puso ko.

Habang nakaupo sa passengers seat ay nakatingin lang ako sa bintana at iniisip ko si Coleen. Sana ay okay lang siya at sana magkita pa kaming muli at kapag nangyari yon ay hindi na ako makakapayag na mawala pa siya sa piling ko.

ANDREI'S POV

Kakatapos ko lang kausapin ang agent ng isang billboard company dahil gusto kong i-announce sa lahat na ikakasal na kami ni Samantha. Gusto ko rin kasing makabawi sakanya at patunayan na siya lang talaga ang mahal ko.

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon