CHAPTER 4

14K 284 30
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 4






SAMANTHA'S POV

Isang buwan na ang nakalipas mula nung magpropose sa akin si Andrei. Hindi pa din maalis sa akin ang saya at ang kilig dahil pinaramdam sa akin ni Andrei na ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. I'm so blessed to be a soon-to-be-wife of Mr. Matthew Andrei Jacobs Smith.

"Babe may shoot kami tomorrow sa Hong Kong, we'll be staying there for two days." I texted Andrei.

"What time ang flight mo? Ihahatid kita, ipapacancel ko yung meeting ko."
He replied.

"Wag na babe, okay lang kahit hindi mo ako ihatid, importante ang mga meeting mo. Sunduin mo nalang ako paguwi ko ng weekend, okay?"

"Are you sure?"

"Yes babe."

"Alright Babe. I'll miss you. Update mo ko agad about sa flight details mo ha? Sunduin kita sa airport. I love you."

"Good night babe. I love you too."

"Good night din babe. Have a safe flight tomorrow. Mua."

Hindi naman totoo na pupunta ako sa Hong Kong, sinabi ko lang yun kasi I want to surprise Andrei dahil bukas na ang 9th anniversary namin. Gusto ko din bumawi dahil ilang weeks na kaming hindi nagmemake out dahil parehas kaming busy sa work.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para i-prepare yung surprise ko for him.

Nag-upload ako sa IG ng picture ng maleta ko para makita ni Andrei, kunwari ay magtatravel nga ako papuntang Hong Kong.

Pasensya na baby, this is for you naman e.

Matapos kong maligo ay pumunta ako sa malapit na mall para makabili ng cake at pang-decor.

Excited na ako. Sana masurprise si Andrei sa gagawin ko. Ang tagal na din kasi since nung huling beses na sinurprise ko siya. Tuwing anniversary kasi namin ay nagtatravel kami but since mataas na ang posisyon niya sa company nila ay medyo naging busy na ang babe ko.

Pagdating ko sa parking ay inilagay ko na sa kotse ko yung mga pinamili ko at sumakay na ako.

"Nasaan na kaya ang baby ko? Hindi naga-update. I miss you. :("

Aww. So cute ng baby ko pero sorry hindi muna kita rereplyan.

Gumawa din nga pala ako ng video presentation for him na ipiplay ko nalang sa room nya mamaya.

Papunta na ako sa condo unit ni Andrei. 8:00am ang pasok niya at 7:30 siya umaalis sa condo niya kaya pagdating ko dun ay paniguradong wala na siya dun.

Habang nagdadrive ay boses ni papa Adam ang naririnig ko mula sa radio.

Sugar, yes please.
Would you come and put it down on me?
Right here I need little love and little sympathy.

My pleasure papa Adam. Hayy ang hot hot niya talaga, he's my number one crush bukod kay Andrei.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa condo na tinutuluyan ni Andrei.

Pagkapark ng kotse ay binitbit ko na yung mga pinamili ko at nilock ko na ang kotse ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, excited na talaga ako at may halong kilig na din ang nararamdaman ko.

"Good morning ma'am."
Bati ng guard.

"Good morning din."
Sobrang ganda talaga ng mood ko today.

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon