PROLOGUE

29.3K 458 6
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
PROLOGUE

Note: Follow me first to see chapters with intimate parts.


"Babe, please, let me explain."
Pagmamakaawa ni Andrei habang nakaboxers lang nang sundan niya ako dito sa elevator.

"Yung nakita mo, it's not what you think Samantha."

I took a deep breath.

"Please pakinggan mo naman ako oh." I still ignored him until we reached the ground floor.

Pagbukas ng pinto ay dali-dali akong naglakad palabas. Sobrang bigat ng bawat hakbang ko at hirap na hirap akong huminga dahil kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko sa pagbagsak nito.

Sinusundan pa din ako ni Andrei at walang tigil sa pagmamakaawa. Pinagtitinginan na kami ng mga staff at ilang residente dito sa condo.

Niyakap ako ni Andrei ngunit ginamit ko ang buong lakas ko para makawala at sumakay na ako sa kotse ko.

Hindi ko siya inimik. Kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.

Silence is the best way to express pain.

Habang nagmamaneho ay bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sumabay pa talaga ang pagbagsak ng ulan. Ang lakas makalungkot di ba?
Sa sobrang lakas ng ulan at sa sobrang daming luhang pumapatak mula sa mga mata ko ay hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Ang sakit sakit ng puso ko, parang dinudurog, parang tinutusok ng maraming karayom.

Iginilid ko muna ang kotse ko at inihinto ito.

Leche naman kasing buhay ito!

Kung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung inaakala kong loyal at faithful na boyfriend sa akin, na may namamagitan pala sakanilang dalawa ni Stella na pinsan ko.

Shit di ba?

Pinsan ko pa talaga.

Kailan pa? Kailan pa nila ako niloloko?

It fucking hurts.

Pagmamahalan at pagtitiwalang binuo sa loob ng mahabang panahon, masisira lang ba dahil sa isang pagkakasala?

Maibabalik pa ba ang nasirang tiwala?

Mapapatawad pa ba ni Samantha si Andrei?

Kindly support my second story entitled "Unfaithfully Yours" sequel of "Fixed Marriage - Hate That I Love You".

Written by MissInvisible009

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon