UNFAITHFULLY YOURS
FINALESAMANTHA'S POV
"Are you ready??"
"Yes I am!"
Sigaw ko."Okay Sam, let's jump at the count of three."
"One, two, three!"Tumalon kami ni Simon mula sa helicopter. Isa siyang professional skydiver na ka-tandem ko.
"Aaaahhhhhh!"
Napasigaw ako dahil sa taas namin.
13,000 feet ang taas nito at tanaw ko mula dito ang ganda ng The Palm.Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at parang mahihimatay ako sa pagkalula. Parang malalaglag ang puso ko at parang hihinto ito sa pagtibok.
"Oh my goood!!"
Patuloy ako sa pagsigaw habang ina-assist ako ni Simon kung ano ang tamang posisyon ng kamay ko.
Ang gagaling ng mga skydivers pati na ang videographers na lumalapit sa amin upang magkaroon ako ng magandang souvenir.
Ito ang unang beses na nagskydiving ako at talaga palang nakakalula ngunit ang ganda ng tanawin mula dito.
Habang nasa itaas ay biglang nagflashback lahat ng pinagdaanan namin ni Andrei.
**flashback**
Tatlong araw na ang nakalipas nang mailabas ako ng ospital. Pinamisahan namin ang anak namin at inilibing siya kung saan nakalibing ang mga unang lolo at lola sa pamilya ni Andrei.
Pinangalanan namin siya ng Matteo Samuel Smith.
"Lagi mong tatandaan anak na mahal na mahal kita at never kang mawawala dito sa puso at isipan ng mommy mo."
Patuloy ako sa pag-iyak habang binibitiwan ang mga salitang iyon.Niyakap ako ni Andrei at hinalikan sa noo.
Nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga nangyari.
Makalipas ang ilang oras ay inaya na akong umuwi ni Andrei. Tahimik lang kami habang nasa byahe at nakatingin lang ako sa kalangitan.
Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at muli akong lumuha.
Sana ako na lang ang kinuha ng Panginoon at sana ay si baby Matteo nalang ang nabuhay.
ANDREI'S POV
Limang buwan na ang nakalililipas simula nang makalabas si Sam sa ospital. Palagi na lang siyang malungkot at hindi ko na alam ang dapat kong gawin upang mapasaya siya. Pinapasyal ko siya sa iba't ibang lugar, sinosorpresa ko siya, nanunuod kami ng movies, at pumupunta sa mga exhibits upang ma-divert ang isip niya ngunit hindi ko pa rin nakikita ang mga ngiti sa mata niya.
Kinausap ko sila mommy tungkol dito. I suggested na manirahan na lang kami sa Dubai dahil kung magiistay pa kami dito ay baka hindi makapagmove on si Sam dahil maraming bagay ang makapagpapaalala sakanya sa sinapit ng unang baby namin.
Inayos ko ang mga papeles namin ni Sam at kinausap ni daddy ang nagmamanage ng kumpanya namin sa Dubai dahil doon na ako iaassign ni daddy.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)
Roman d'amourKung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung in...