UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 19
SAMANTHA'S POV
Ilang buwan na ang nakalipas at palagi pa rin kaming masaya ni Andrei. Sobrang dami naming bonding moments na talagang nagpabuo sa aming dalawa. Lalong tumindi ang pagmamahalan namin para sa isa't isa at never kaming nagtatalo o nagkakaroon ng tampuhan.
I must say that I am very blessed to have Andrei as my husband.
Nandito ako ngayon sa opisina at napansin ko na may pagbabago sa mood at sa katawan ko. Madalas ay nakakaramdam ako ng biglang pagkahilo at naging sensitibo ang pang-amoy ko. Na-realize ko na three months na pala akong hindi nagkakaperiod.
Huminga ako ng malalim at napaisip ako,
Hindi kaya buntis ako?Habang lunch time ay nagpaalam ako kay ms. Grace na may pupuntahan lang ako sandali. Pumunta ako sa isang drugstore na malapit dito at bumili ako ng dalawang pregnancy test kit na magkaiba ang brand.
Pagbalik ko sa opisina ko ay dumiretso ako sa comfort room at binasa ko ang instruction sa kahon.
Umihi ako at kumuha ako ng sample ng ihi at pinatakan ko ang kit na hawak ko.
Ayon sa instruction, kapag may isang guhit ay not pregnant, kung dalawang guhit naman ay pregnant.
Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang gumagapang ang liquid sa pad. Napalunok ako nang makita kong dalawa ang lumabas na guhit. Para makasigurado ay pinatakan ko din ng sample ng ihi yung isa pang pregnancy test kit, at kagaya sa isa ay dalawang guhit din ang lumabas dito.
Humarap ako sa salamin at kinausap ko ang sarili,
"Oh my gosh, you're pregnant!"
Napangiti ako sa saya.Nag-ayos na ako at nagligpit ng mga ginamit ko. Inilagay ko sa kahon ang dalawang pregnancy test at naisipan ko na i-surprise si Andrei mamaya.
Sigurado ako na matutuwa si Andrei sa ibabalita ko.
Bago umuwi ay dumaan ako sa isang store at bumili ako ng maliit na kahon.
Pagkauwi ko sa bahay ay inilagay ko dito ang dalawang pregnancy test at nilagyan ko ito ng note,
"Wait for me, Daddy Andrei."Napangiti ako at inilagay ko ito sa kahon, tinakpan ko ang kahon at tinalian ng ribbon, inilagay ko sa plastic at itinago ko sa bag.
Paglabas ko ng kotse ay sinalubong ako ni Andrei.
"I missed you babe." Hinalikan niya ako sa labi.
"I missed you too babe."
Niyakap ko siya ng mahigpit at sa isip ko, you're going to be a daddy soon.
Hinalikan ako ni Andrei sa noo at nagsabihan kami ng "I love you."
Mukang good mood ang asawa ko.Pagpasok sa bahay ay dumiretso kami ni Andrei sa kusina upang kumain ng hapunan.
Nagluto ang asawa ko ng kare-kareng bagnet na napakasarap! Parang luto ni mommy Sandra.
Ang dami kong nakain, marahil ay dalawa na kasi kaming kumakain ngayon.
Napapangiti ako sa tuwing maiisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Andrei kapag nalaman niyang magkakaroon na kami ng baby?"You look so beautiful babe."
"Thanks babe, you look so handsome." Papuri ko naman sakanya.
Magiging kahawig ko kaya o kahawig ni Andrei ang future baby namin?
Sana ay may makuha saming dalawa.Matapos kumain at magligpit ay umakyat na kami sa kwarto namin upang makapaligo.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)
RomanceKung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung in...