CHAPTER 16

9.9K 174 16
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 16








SAMANTHA'S POV

Patuloy pa rin ang luha ko sa pagtulo at ang bigat ng bawat paghinga at paghikbi ko. Pinipigilan kong makagawa ng ingay upang hindi magising si Andrei.

Binalot ako ng takot, takot na baka malaman ni Andrei ang lahat at bigla niya na lang akong iwanan.

Bakit?

Bakit ko hinayaang mangyari ang lahat?

Bakit sa halip na patawarin ko si Andrei dahil sa ginawa niyang kasalanan ay gumawa pa ako ng isa pang kasalanan?

Patawad Andrei, patawad, patawad sa napakalaking kasalanan na nagawa ko.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng kilos ni Andrei. Naghahanda na siya sa pagpasok sa opisina.

"Good morning, babe."
Bati niya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Good morning."
Bati ko naman.

"Ginawan kita ng breakfast, iniwan ko sa dining table. Pasensya na kung hindi kita masasabayang kumain, kailangan ko kasing pumunta sa office ng maaga."

"Okay lang." Sagot ko.

Nang makatapos na siyang magbihis at mag-ayos ay muli niya akong nilapitan.

"Pwede ba akong humingi ng yakap mula sa pinakamamahal ko?" Sambit ni Andrei.
Bumangon ako at niyakap siya ng mahigpit.

Tinitigan niya ako at sinabihan ng,
"I love you."

"I love you too." Sagot ko naman.

"I have to go, babe. See you later."
Muli niya akong hinalikan sa noo.

Pag-alis ni Andrei ay nahiga ulit ako sa kama. Tumunog ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang nagtext.

"Good morning mahal ko. I miss you."

Si Dave pala ang nagtext, binura ko ito at hindi ko siya nireplyan.

Muli ko na namang naalala ang mga nangyari kahapon, kung paano ako binaboy ni Dave, kung paano ako nasaktan.

Nagpauto ako sakanya at nagpaakit, umasang maiibsan ang lahat ng sakit ngunit ito'y napalitan ng panibagong pasakit.

Sinamantala ni Dave ang kahinaan ko at nagpadala naman ako sakanya. Kagaya noong sakay kami ng yate sa Batangas, tila isa akong isda na kumagat sa pain, umasang may masarap na pagkain ngunit ito pala'y pagkaing magpapahamak pala sa akin.

DAVE'S POV

Nagtetext ako kay Coleen ngunit hindi siya nagrereply sa mga message ko kaya naisipan ko siyang tawagan.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area."

Nakalipas ang mga oras at ilang beses ko na siyang tinatawagan ngunit wala pa rin.

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon