UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 15SAMANTHA'S POV
"Andrei!!!"
"Andrei!!!!"
Nababalisa na ako dahil hindi ko kayang buhatin si Andrei.
Kinuha ko ang phone mula sa bag ko at tumawag ako ng ambulansya. Wala pang sampung minuto nang dumating sila dito. Inilagay nila si Andrei sa stretcher at isinakay sa sasakyan.Pagdating namin sa ospital ay dinala siya sa isang kwarto at tinignan siya ng doctor.
"What happened to him?"
"I don't know doc, bigla nalang siyang nawalan ng malay."
Na-confine si Andrei dito sa ospital at anim oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya nagigising.
Sabi ng doctor ay na-overfatigue si Andrei at kailangan lang ng pahinga.
Nag-aalala ako kay Andrei at hindi ko napigilang maiyak habang hawak ko ang kamay niya.
"Please wake up."
ANDREI'S POV
Pagmulat ng mata ko ay ang maamong muka ni Samantha ang una kong nakita.
Tumingin ako sa paligid at mukang nasa ospital ako, saka ko lang naalala na biglang sumakit ang ulo ko at nagdilim ang paningin ko kanina.
"Babe." Nagising na si Sam at tumayo ito. Hinawakan niya ako sa pisnge at mukang nag-aalaa.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Okay naman ako."
"Aahhh thank God." Napayakap siya sa akin.
Na-miss ko yung ganitong pakiramdam, kapag niyayakap ako ni Sam at kapag nag-aalala siya sa akin.
"Kanina pa kita hinihintay na magising."
"Wait lang ha, tatawag lang ako ng nurse."Hinalikan ako ni Sam sa pisnge bago siya umalis at pagbalik niya ay may kasama na siyang nurse at chineck ang kalagayan ko.
"Here are the medicines ma'am Samantha, painumin nyo ng gamot si Sir Andrei pagkatapos niyang kumain."
"Maiwan ko po muna kayo."
"Alright, thank you."
"Wait lang Andrei, bibilhan muna kita ng pagkain sa resto, okay ka lang ba kung iwan kitang mag-isa dito?"
"Yap I'll be fine."
Tinurn on ni Sam ang tv at nagpaalam. Muli niya akong hinalikan sa pisnge bago siya umalis.
"Saglit lang ako, wag kang maiinip." At ngumiti siya sa akin.
Nakakatuwa dahil ang sweet ni Sam ngayon. Sana pala ay palagi akong naoospital para lagi niya akong aasikasuhin.
After 15-20 minutes ay bumalik na si Sam at may dalang pagkain.
Inayos niya ito at nilagay sa tray na may stand at dahil malaki itong higaan ay naupo siya sa tabi ko.
Arrozcaldo at siopao ang binili ni Sam, isang bola-bola at isang asado. Parehas niya itong hinati,
"Here's for you and here's for me. Para parehas nating matikman."
Kumuha si Sam ng arrozcaldo, hinipan ito at sinubuan niya ako.
"Masarap ba?"
Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)
RomansaKung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung in...