UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 12SAMANTHA'S POV
It's 4:00 pm at nandito na ako sa condo unit ko. Maaga akong nag-out sa work dahil kailangan kong mag-ayos para sa isang event ng business partner ng company namin nila Andrei.
I took a quick shower at nagsimula na akong maglagay ng make up sa muka. Matapos magmakeup ay itinaas ko ang buhok ko at nagspray ako ng pabango. Nagsuot ako ng blue na dress at black na high-heels.
5:00 pm na pero wala pa rin text si Andrei that's why I decided to call him.
Ring.. Ring...
Ring.. Ring...Nagriring lang at hindi siya sumasagot.
I've waited for 20 minutes nang tumawag si Andrei.
"I'm sorry babe, I couldn't make it. May emergency meeting kasi."
"Alright, sana nagtext ka kaagad kanina."
"I'm sorry talaga, biglaan lang kasi. But don't worry, tinawagan ko si Dave at siya ang susundo sa'yo."
What the hell. Ano bang naisipan ni Andrei at kay Dave pa ako ipapasundo?
"No, wag na. Kaya ko naman pumunta mag-isa." Tanggi ko.
"Pupunta rin kasi talaga si Dave dun sa event kaya sabi ko isabay ka na niya para may kasama ka. I also want to make sure that you're safe."
Pilit niya.
"Mabait naman si Dave at mapagkakatiwalaan.""Okay, nasan na ba siya?" Tanong ko.
"Wait lang, I'll call him again and I'll update you."
"Alright."
Ilang sandali pa ay nagtext si Andrei,
"Nasa parking lot na siya.
I gave him your phone number para matext o matawagan ka niya."At pinaalam mo pa talaga yung number ko kay Dave, Andrei.
Psh."I have to go babe, update mo na lang ako ha? I love you."
Lumabas na ako ng unit ko at sumakay na ako sa elevator pababa sa parking.
Eto na naman ako at hindi mapalagay dahil paniguradong awkward na naman kapag nagkita kami ni Dave.
Nang makarating sa basement ay nagbukas na ang elevator.
DAVE'S POV
Inaabangan kong lumabas si Coleen mula sa elevator dahil nagtext si Andrei na pababa na daw ito.
Sobrang saya ko nang makiusap sa akin si Andrei kung pwede ko bang isabay si Samantha papunta sa event.
Matagal ko nang gustong makasama si Coleen at sasamantalahin ko ang pagkakataon habang busy si Andrei sa meeting.
Natulala ako nang lumabas si Coleen, napakasexy niya sa suot niyang asul na dress.
"Let's go." Aya ko.
Iginayak ko siya papunta sa kotse ko at pinagbukas ko siya ng pinto. I made sure na hindi siya mauuntog kaya hinawakan ko siya sa ulo at nang makaupo na siya ay sinarado ko na ang pinto.
Pagsakay ko sa kotse ay tiningnan ko si Coleen,
"You look so beautiful." At nginitian ko siya.
"Tara na, baka ma-late pa tayo."
Seryoso niyang sabi.I love it kapag sinusungitan niya ako, ang cute niya kasi.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)
RomanceKung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung in...