CHAPTER 18

10K 158 4
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 18









SAMANTHA'S POV

Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko, nag-inat ako at bumaling ako upang makita ang muka ni Andrei.

Ang gwapo niya habang natutulog, muka siyang inosente. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko siya.
Ang malambot niyang buhok na medyo curly, maganda niyang kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong at mapupulang labi.

I realized how blessed I am to have him.

Hinimas ko ang pisnge niya,
"I love you and I'm sorry Andrei for all the things that I have done."

Ilang sandali pa ay dumilat ang mata ni Andrei,
"Good morning babe."
Bati niya.

Sana ay hindi niya narinig ang sinabi ko.

Nginitian ko siya at binati ko rin ng good morning.

Niyakap ako ni Andrei at hinalikan sa noo. Ramdam ko ang lambot at init ng balat niya dahil parehas kaming walang saplot at nasa ilalim ng kumot.

Dahil mabigat pa ang mata ko at masakit ang katawan ko dahil sa pagpagod ni Andrei sa akin kagabi ay hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako.

Paggising ko ay may breakfast na sa harapan ko.

"Breakfast is ready."
Sambit ni Andrei at nakangiti sa akin.

Nagluto siya ng pancake, bacon, fried rice, egg at nagprepare din siya ng sliced fruits at water.

Nagsuot ako ng bathrobe at nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain ay gulo ang buhok ni Andrei, napansin ko rin na mukang kailangan na niya ng haircut.

"Babe.." Sambit ko.

"Yes babe?"

"Would you like me to cut your hair?"

"Yeah, sure." Sagot niya naman.

Matapos naming kumain ng agahan ay nagsuot ako ng shorts at shirt.
Pumunta ako sa storage room namin, kinuha ko ang gunting, suklay pati na ang bagong hair dye na nabili ko sa mall at conditioner.

Lumabas na ako at inaya ko si Andrei sa backyard. Pinaupo ko si Andrei sa stainless na upuan at nakaboxers lang siya ngayon.

Sinimulan ko nang gupitan ang asawa ko.

After fifteen minutes ay nagupitan ko na siya. Kinuha ko ang hair dye na kulay chestnut at conditioner at pinaghalo ko ito sa isang maliit na container. Nagsuot ako ng gloves at nagsimula na akong kulayan ang buhok ni Andrei.

"Ayan babe, wait for one hour tapos pwede mo nang banlawan yan."

"Okay babe. Gusto ko ring kulayan ang buhok mo babe, para parehas tayo."

Napaisip ako kung kaya nga bang magkulay ni Andrei, but since I don't want to underestimate him ay pumayag ako.

"Alright babe."

Nagtimpla ulit ako ng hair dye tapos nagsimula na si Andrei na kulayan ako. In fairness ay ang gaan ng kamay ng babe ko, parang yung nagkukulay sa akin sa tuwing nagpapasalon ako.

Ang galing ni Andrei kasi alam niya kung paanong magkulay. Pinagmamasdan ko lang siya sa salamin ng sliding door at natutuwa ako sakanya.

Nang malagyan na niya ng kulay ang buhok ko ay nagkwentuhan muna kami habang naghihintay kung pwede na naming banlawan ang mga buhok namin.

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon