CHAPTER 6

12K 242 1
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 6






ANDREI'S POV

Sa loob lamang ng mahigit isang linggo ay tila nagbago na si Samantha. Ito ang unang beses na nakita ko kung paano siya magalit, kung paano niya ako kausapin at itrato na parang hindi na niya ako mahal, na parang hindi niya ako nobyo. Ito rin ang unang beses na nasampal ako ni Samantha. Sobrang sakit pero deserve ko ito dahil sa nagawa ko.

I really feel sorry dahil ako ang dahilan kung bakit siya galit na galit sa akin, dahil nasaktan ko siya at nasira ko ang tiwala niya.

Paano ba akong mapapatawad ni Samantha?
Ano bang dapat kong gawin?

Hindi ito maaring malaman nila mommy at daddy pati na ni Cassie. Mahal na mahal nila si Samantha at mapapasama ko ang loob nila kapag nalaman nila na nasaktan ko siya.

Napahiga ako sa sahig at napatingin sa dingding na tila nawawalan na ng pag-asa. Ngunit hindi ito maari, hindi ako susuko. Kailangan kong magisip ng paraan para hindi makipaghiwalay sa akin si Samantha. Para matuloy pa rin ang kasal namin. Alam kong may natitira pa siyang pagmamahal sa akin at galit lang siya kaya siya nagkakaganon. I have to win her back.

Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng isang basong tubig at ininom ito.

Aaaahhhh.. Huminga ako ng malalim.

I know everything's going to be alright. Kailangan kong magpakapositibo.

Ring... Ring...

Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at may tumatawag na unknown number.

"Hello? Who's this?"

"Hey bro, it's me."

"Oh hey bro, ikaw pala yan. So kamusta? Kailan ang uwi mo?"

"I'm doing great. Actually nandito na ako sa airport, I'm just waiting for my flight to Manila."

"That's good. I can't wait to see you man. Ingat ka sa byahe mo. See you soon."

"Yes I will, thanks bro. See you. Bye."

"Alright, bye."

Pauwi na ang pinsan ko dahil siya ang best man sa kasal namin ni Samantha. After so many years ay ngayon na lang ulit siya babalik ng Pilipinas kaya naman excited na akong makita siya at maipakilala siya kay Samantha.

SAMANTHA'S POV

Matapos ang ilang oras na pagmamaneho ay sa wakas, nandito na ako ngayon sa isang private resort sa Batangas.

Pinagbukas ako ng pinto ng isang staff,
"Good afternoon ma'am." Bati niya.

"Good afternoon." Bati ko rin naman.

Inilabas niya ang gamit ko mula sa compartment at inihatid ako sa front desk.

Matapos kong makipagusap tungkol sa gusto kong pagkain at sa activities na gusto kong gawin ay inihatid na ako ng staff sa tutuluyan ko para sa isang buong linggo.

One week akong magiistay dito dahil gusto kong mapag-isa, makalanghap ng sariwang hangin at gusto ko ring maging payapa ang isipan ko.

Nang maibaba na ng staff ang gamit ko ay inabutan ko ito ng tip at nagpasalamat.

Pagpasok ko ng kwarto ay nahiga agad ako sa kama dahil sobra akong napagod sa byahe. Niyakap ko ang isang malaki, mabango at malambot na unan at sinubsob ko ang muka ko dito. Matutulog na muna ako upang makabawi ng lakas.

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon