UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 21ANDREI'S POV
"Samantha!!!!!"
Tila lalong bumagal ang pagkilos ko.
Ang bigat ng bawat hakbang ko palapit kay Samantha.Nabundol siya ng isang mabilis na sasakyan.
Tumilapon si Sam pati na rin ang mga pinamili niya.
"Samantha"
Biglang bumuhos ang luha ko. Nakahandusay siya ngayon sa sahig at may dugo ang ulo niya. Hinawakan ko ang kamay niya at nababalisa ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko."Andrei.."
Yan ang huli niyang sinabi bago siya pumikit at hindi na muling dumilat."Sam! Please wake up."
"Tulong!"
"Somebody please help us!!"Dinampot ko ang kwintas na binigay ko sakanya dahil napatid ito.
"Sam.."
Nilapitan kami ng mga tao at ilang sandali pa ay may dumating na ambulansya.
Maingat siyang inilagay sa stretcher at sinakay sa ambulansya.
Lord, please iligtas Nyo po ang asawa ko.
Pagdating sa ospital ay isinugod agad siya sa emergency room.
"Pasensya na sir, hanggang dito na lang po kayo."
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Sam.
Punung-puno ako ng pag-aalala sa oras na ito.
"Andrei, anak."
"Kuya Andrei."Narinig kong tinig nila mommy at Cassie.
"Where is Sam? Kamusta ang lagay niya?"
Niyakap ko si mommy at bumuhos ang luha ko.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito.""No, Andrei, walang namang may gusto sa nangyari."
"Hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya."
Hinimas ni mommy at Cassie yung likod ko.
"Maupo ka muna anak, magiging okay din si Sam."
Naupo kami nila mommy at naghihintay sa paglabas ng doctor.
"Andrei.."
"Nasaan ang anak ko?"
Nag-aalalang tanong ng daddy ni Sam.
"What happened to Sam?"
Tanong ng mommy niya.Hindi ako makasagot dahil patuloy ako sa pag-iyak.
Niyakap ni mommy si mommy Megan,
"Nabundol siya ng mabilis na sasakyan, nasa ER siya ngayon."
"Kanina pa kami naghihintay sa paglabas ng doctor."Tila nanlambot si mommy Megan kaya pinaupo na muna siya ni mommy.
Lord, please iligtas Mo po ang asawa ko. Please..
Makalipas ang ilang oras ay nagbukas na ang emergency room.
Napatayo kaming lahat at lumapit sa doctor.
"Who is the husband of the patient?"
"Ako po."
Sagot ko."I'm sorry to tell you this but nalaglag ang sanggol na dinadala ng asawa mo."
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)
RomanceKung kailan malapit na ang kasal namin tapos ganito? Kung kailan nakahanda na ng lahat. Kung kailan naka-invest na lahat ng pagmamahal ko sakanya ay ngayon ko pa malalaman na of all these years niloloko lang ako ni Andrei. Na hindi pala siya yung in...