CHAPTER 1

208 35 21
                                    

MAAGA pa lang ay gising na sya, kahit 10:30 pa ng umaga ang pasok nya. Mugto ang mga mata nya dahil sa di sya nakatulog kagabi.

Masyadong masakit para sa kanya ang pagtatapos nila ng halos ay apat na taon nyang boyfriend, si Jonathan Castro, ang kanyang first boyfriend at first love, at ang fairytale na pinapangarap nya ay di na magkakaroon ng happily ever after na katapusan.

High school pa lang sya ng maging boyfriend nya ito. Sikat at tinitilihan ng mga babae sa kanilang campus ito kaya naman ng ligawan sya nito ay feeling nya sya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa at sinagot na nya ito at aminin man nya o hindi ay kinaiinggitan sya ng mga babae sa buong eskwelahan at isa na doon ang best friend nya, pero ngayon? Daig pa nya ang isinumpang maging palaka habang buhay.

Nakatalukbo sya sa harap ng bintana habang nakatingin sa malayo. Hindi nya alam kung ano ang iniisip nya. Gusto nanamang kumaripas sa pagtulo ng kanyang mga luha. Gusto nanaman nyang maiyak lalo na nga at umaalingaw-ngaw ang tugtuging "Broken Vow" sa kapit-bahay nila. Naiiyak sya lalo na kapag naiisip nya na ang wicked witch na sumumpa sa kanya na maging ganoon ang sitwasyon ay ang matalik nyang kaibigan. Naiisip pa rin nya hanggang sa mga oras na iyon ang huling sinabi ni Jonathan sa kanya na dahilan kaya ito nakakipaghiwalay. Sa madaling salita ay pinagtaksilan sya ng dalawang tao na kanyang pinagkakatiwalaan at pinapahalagahan. And now, she's all alone and no one can turn to.

Hanggang sa di na nya napigilan ang kanyang luha. Isa-isa na iyong dumaloy sa kanyang pisngi. Masakit iyon para sa kanya lalo na nga at binuo na nya mga pangarap nya kasama si Jonathan. Ngayon, wala man lang syang mapagsabihan ng sakit na kanyang nararamamdaman, pawang ang hangin at ang kwartong iyon ang kanyang kakampi sa mga oras na iyon ng kanyang pagdadalamhati sa kanyang kasawian.


BINULABOG ng malalakas at sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang kwarto ang kanyang pagmumuni-muni.

"Ken!?" sigaw ng kung sinuman ang nasa labas ng kanyang kwarto pero panigurado nyang ang landlady nya iyon.

"Po!?" agad na nyang pinahid ang kanyang namamasang pisngi saka pinagbuksan ang nasa labas ng kanyang kwarto.

"Ano?!" nakapameywang nitong tanong ng bumungad sya sa may pinto. "Kailan ka magbabayad ng upa mo?Hindi na ako tatanggap ng extension." Matigas nitong dagdag.

Sa lakas ng boses nito ay kahit pa ang mga kapit-bahay ay madidinig ito, kahit pa ang mga bulate sa ilalim ng lupang kinatitirikan ng boardinghouse nilang iyon. Pero syempre pa alam na iyon ng mga kapit-bahay at ng mga bulate dahil na rin sa normal na eksena na iyon doon. Halos nga ay memoryado na ng mga nakatira doon ang mga sasabihin ni Aling Ading sa araw-araw.

Napakamot na lang sya sa batok kahit pa wala namang makati sa bahaging iyon ng kanyang ulo. Naalala nya hindi pa pala sya nakapagbayad para sa buwang iyon.

"Aling Ading pwede po bang..."

"Hindi!" hindi na sya pinatapos nito sa gusto nyang sabihin. "Kasasabi ko lang diba hindi na ako tatanggap ng extension." Halos isigaw nito iyon sa kanyang mukha.

"Ang gusto ko pong sabihin ay kung pwedeng isunod ko nalang sa inyo sa baba kasi po bibilangin ko pa po yong mga barya ko sa alkansya ko." Aniya rito.

Napatla ang matanda.

"O sige." Anito na lang.

"Salamat po at magandang umaga." Ngumite sya sa landlady nya habang hinahatid ito ng tingin pababa ng hagdanan.

Pag-alis ng landlady ay agad na nyang hinalungkat ang kanyang mga gamit para hanapin ang mga natitira nyang pera. Sa susunod na linggo pa ang kanilang allowance mula sa kanyang scholarship sa pinapasukang eskwelahan. Ayaw na nyang makarinig pa ng kahit na ano mula sa landlady, masyado pang masakit ang mga nangyari sa kanya kaya hangga't maaari ayaw nya na munang dagdagan iyon.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon