CHAPTER 19

78 28 2
                                    

WALA siyang ganang bumangon para puntahan ang nanay niya na nakahimlay sa Manila North Cemetery. Birthday nito sa araw na iyon kaya obligado siyang dalawin ito. Humugot sya ng malalim na buntong hininga saka sinipat ang orasan. Alas nuwebe na pero tila mabigat ang kanyang katawan para bumangon.

Tumonog ang kanyang cellphone kaya napapitlag sya saka dinampot ang telepono.

"Hello." Aniya

"Nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay dito." Si Mimi ang nasa kabilang linya.

"Papunta na." aniya lang saka binaba ang telepono. May usapan pala silang gagala sa araw na iyon kasi nga wala silang pasok.

Agad na nyang dinampot ang tuwalya saka tinulak ang sarili sa banyo para makaligo na.

Maya-maya pa'y nasa sakayan na sya papunta sa meeting place nila ng mga kaibigan. Bagaman wala sa mood para gumala ay pipilitin nya ang sarili para sa mga kaibigan.

Maya-maya pa'y tanawa na nya ang mga kaibigan na naka-upo sa upuang bato sa park.

"Ang tagal mo, natunaw na tuloy yong ice cream na binili ko." Reklamo ni Jusaine.

"Sorry naman, nahuli lang ng gising." Pagtatanggol nya sa sarili.

"Bakit? Napuyat ka kagabi?" may himig panunukso na sabi ni Mimi.

Natawa sya sa reaksyon ng mga ito at sa kung anu-anong tanong. "Mga loko kayo. Anong pinagsasabi nyo dyan. Kayo talaga." Napakamot sya sa kanyang batok.

Nangiti na rin ang mga kaibigan sa inasal nya. Maya-mayapa'y naglakad na sila papunta sa kung sila hilahin at dalhin ng kanilang mga paa.

Ito yong tipo ng lakad na walang patutunguhan pero masaya kasi nga kasama nila ang isa't-isa kahit pa abutin sila ng magdamag kakalakad.

"Ahm, guys may sasabihin ako sa inyo." Pamungad ni Mimi habang tahimik silang kumakain sa ibabaw ng damuhan sa bahaging iyon ng park.

"Ano yon?" halos sabay na sabi ng dalawa.

"Ahm, si J-jade kasi." Anito

Nagkatinginan sina Jusaine at Ken sa paunang salitang sinabi ni Mim. Saka napatingin silang dalawa sa babaeng nagsasalita. Nagtatanong ang mga mata.

"Gusto nya akong ligawan." Sagot nya sa nagtatanong na mga mata ng dalawa.

"So?" ani Jusaine

"Gusto mo ba sya?" ani rin ni Ken.

"Eh kasi-----"

Tumayong bigla si Jusaine saka umalis sa harapan ng dalawa.

"Hoy Jusaine!" hinabol ito nina Ken at Mimi.

"Jusaine, bakit ba?" hingal na ani Ken ng maabutan nila ito.

"I like Jade very much. Alam naman ni Mimi yon eh. Tapos ngayon papaligaw sya sa kapatid mo? Ano yon? Akala ko ba walang talo-talo?" anito

"Ano!?" gulat na ani Ken. "Bakit di ko to alam?" gulat nyang tanong sa dalawa.

"Sabi ko hindi mo naman dapat malaman yon kasi nga it's just it. I just like him." Paliwanang ni Jusaine sa kabila ng pag-iyak nito.

"Hindi ko naman sinasadya na magka-gusto din sa kanya. Promise, alam nyo namang kayo lang ang meron ako eh." Nagbabadya na ring maiyak si Mimi dahil sa mga pangyayari.

"Kami lang tapos ngayon tina-traydor mo ako." Ani Jusaine

"Hindi naman yon Jusaine, at isa pa hindi ko naman kasalanan kung ako yong nagustuhan ni Jade at hindi ikaw." Ani rin ni Mimi

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon